Heart Evangelista to Senator Chiz Escudero: “Mamahalin kita nang buung-buo.”

Senator Chiz Escudero vows to be a supportive soon-to-be husband to Kapuso actress Heart Evangelista. "Para maalagaan siya at para matiyak na marating yung pangarap niya sa buhay... At sana makita at maabutan ko lahat yun ng kasama siya," said Senator Chiz, who made a surprise appearance at Heart’s recent bridal shower.


Nasurpresa si Heart Evangelista, 29, nang dumating ang fiancé na si Senator Chiz Escudero, 45, sa bridal shower na inihanda ng Startalk para sa Kapuso actress.

Old Hollywood ang tema ng naturang okasyon na ginanap sa Fernbrook Gardens, New Alabang, noong Lunes ng gabi, January 12.

“Hindi ko ine-expect na pupunta siya. Kasi nga kanina lang magkasama kami.

“Tapos ang traffic. Then bridal shower din siya.

“But you know, it’s nice that he’s here. [It’s] always nice when he surprises me,” nakangiting pahayag ni Heart sa panayam ng Startalk noong gabi ding iyon.

Proud fiancé naman si Senator Chiz at sinabing tanging si Heart lang ang gusto niyang makasama habang-buhay.

At kung mayroon man daw siyang maipapangako kay Heart, iyon ay ang walang-sawang pagsuporta sa kung ano mang pangarap ang nais abutin ng aktres.

Sabi ni Senator Chiz, “Siyempre gagawin ko para sa 'yo. Para maalagaan siya at para matiyak na marating yung pangarap niya sa buhay.

“Hindi lang bilang indibidwal kundi bilang asawa at nanay din siguro in the future. At sana makita at maabutan ko lahat yun ng kasama siya.”

WELL-WISHERS. Sa mismong program ng isinagawang bridal shower, nagbigay ng kani-kanilang regalo at mensahe ang ilan sa mga malalapit na kapamilya at kaibigan ni Heart.

Una na rito ang kapatid ng Kapuso actress na si Cam Ongpauco, na bahagyang naging emosyunal habang nagbibigay ng mensahe para kay Heart.

Sabi ng nakakatandang kapatid ni Heart, "Ever since we were young, I always felt the need to protect her and back her up and be her bodyguard. I love you so much. I’m happy that you’re happy.”

Naroon din ang matalik na kaibigan ni Heart na si Alessandra de Rossi.

“Ito na yun, 'di ba? Pangarap ng lahat ng babae natupad na.

“Ano pa bang kulang sa ‘yo? Wala. So, pagbutihan mo ang pagiging butihing Mrs. Escudero. Nandito lang kami forever nakasuporta sa ‘yo,” masayang saad ni Alessandra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang matalik na kaibigan ni Heart si Lovi Poe na nagbigay ng wine at cheese bilang bridal shower gift kay Heart.

Ito naman ang mensahe ni Lovi para kay Heart: “We all know in this industry, mahirap makahanap ng totoong kaibigan. And I’m thankful na nakahanap ako ng isang Heart. I love you, Heart!”

Dumalo rin ang kapatid ni Senator Chiz na si Dette na excited nang maging future sister-in-law si Heart.

“I’m so excited for you to be part of the family. Anytime you need advice or you need help, ‘pag nag-away kayo or something, ‘wag kang mahihiyang lumapit sa akin,” nakangiting saad ni Dette.

Si Donita Rose naman ay nagpatunay kung gaano kabuting kaibigan si Heart sa kanya.

Sabi ni Donita, “During the days nung nasa Singapore ako, I used to come to Manila every week and stay in hotels. 'Tapos one time nag-offer si Heart sa akin na tumira sa kanya. I will never forget that.”

Kasama rin sa bridal shower ni Heart ang kapwa-senador ni Senator Chiz na si Senator Cynthia Villar.

“As politicians our life is very hard. I hope you can give him all the support you can give so you can make his life tolerable.

“We wish you the best. I hope everything would be well in the future,” nakangiting saad ng senadora.

Todo-suporta rin kay Heart ang GMA Network Senior Vice President for Entertainment na si Lilybeth Rasonable.

Aniya, “I would just like to wish you only the best in everything, forever happiness for you and Senator Chiz.

“Remember that your home network, your Startalk family are all here always for you. Congratulations!”

Ilan pa sa mga artistang namataan sa bridal shower ni Heart ay sina Carla Abellana, Iza Calzado, Rhian Ramos at Kylie Padilla.

LOOK: Heart Evangelista treated to an "old-Hollywood" themed bridal shower

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakdang ganapin ang destination wedding nina Senator Chiz at Heart sa Balesin Island Club sa Quezon province sa February 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN