Rich Asuncion ready to fall in love again: “Kaya ko na ulit. Mas strong na ako ngayon.”

Rich Asuncion proudly declares she’s ready to love again: “Yun nga ang isa sa dinasal ko noong pagpasok ng Bagong Taon. I feel na ready na ako to handle a new relationship. This time, kaya ko na ulit. Mas strong na ako ngayon.”


Kung hindi lang dahil sa pag-resume ng afternoon drama series na Yagit, magtatagal pa raw sana ang bakasyon ni Rich Asuncion sa kanyang hometown in Tagbilaran, Bohol.

Sa Bohol nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon si Rich kasama ang kanyang pamilya.

Matagal daw kasing hindi nagawa ni Rich ang magkaroon ng mahabang bakasyon sa kanilang probinsya kaya gusto pa niya sanang habaan pa ang bakasyon niya.

“First time ko lang ulit na mag-Pasko at Bagong Taon sa Bohol.

“Before kasi, uuwi lang ako ng Christmas 'tapos after two days dito na ako sa Manila mag-New Year.

“Pero nitong nakaraan nga, tinuloy ko na ang bakasyon ko doon hanggang Bagong Taon. Nagpasabi na lang ako na hindi na ako mag-participate sa GMA New Year’s Countdown.

“Sobra kong na-miss ang festivities doon sa Bohol kapag Pasko at Bagong Taon.

“Naramdaman ko ulit yung simpleng saya ng Pasko.

“Hindi mo kailangan maging sobrang yaman para ma-enjoy mo ang Christmas at New Year. As long as sama-sama kayong magpamilya, yung ang matatawag mong happiness.

“Parang bumalik ako sa pagiging bata kasi nagkita ulit kami ng mga dati kong mga classmates. Nagkaroon kami ng reunion.

“Kaya ang sarap ng bakasyon ko talaga! Sobra akong napahinga.

“Yun nga lang, nagkaroon ako ng double chin! Napasarap ang kain natin talaga,” kuwento pa ni Rich nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng 2015 collection ng Boardwalk kunsaan isa siya sa mga endorsers.

THANKFUL FOR ENDORSEMENT RENEWAL. Pagbalik ni Rich sa Manila ay agad siyang nag-diet at nag-workout para mabawasan ang kanyang timbang just in time sa launch ng Boardwalk.

Six years nang endorser si Rich ng Boardwalk kaya nagpapasalamat ito na patuloy siyang nire-renew ng naturang fashion retail brand.

“Mabait sa akin ang Boardwalk at six years na akong endorser ng mga clothes and accessories nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala ko nga this year, hindi na ako makakasama kasi mga mas bata na sa akin ang kinuha like si Janine Gutierrez, Kim Rodriguez, and Thea Tolentino.

“Pero sinabihan nila ako na kasama pa rin ako bilang isa sa mga endorsers.

“Kaya sobra akong happy kasi blessing ito for the New Year, ‘di ba?”

READY TO LOVE AGAIN. Handa na nga ring umibig ulit si Rich ngayong 2015.

Two years na raw siyang hindi nakikipagrelasyon at ngayong taon ay ready na raw siyang bigyan ulit ng pagkakataon ang love.

Ang huling nakarelasyon ni Rich ay ang model-turned-actor na si Ervic Vijandre.

“Yun nga ang isa sa dinasal ko noong pagpasok ng Bagong Taon.

“Dinasal ko nga, ‘Lord, please give me a lover!’

“Nakakatawa pero totoo ‘yon.

“I feel na ready na ako to handle a new relationship.

“Kung ilang taon ko ring iniwasan ‘yan dahil ilang beses na rin akong nasaktan. This time, kaya ko na ulit. Mas strong na ako ngayon.

“I only pray na ang new guy na darating sa buhay ko ay pangmatagalan na. Ayoko ng paiba-iba pa.

“Kung pagbibigyan ako ni Lord, yung matino na at yung pahahalagahan ang relasyon namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN