Manolo Pedrosa on falling for co-star Janella Salvador: “Anything’s possible naman po talaga. It just takes time.”

Manolo Pedrosa on Oh My G! co-star Janella Salvador: “Noong una po, when we worked together sa MMK ay sobrang I found her super mabait. Kasi baguhan lang ako, so, mayroong times sa set na sobrang tagal ko pa bago mag-take. So she waits for me talaga, and I found her very patient and very nice with me po.”


Hindi halos makapaniwala ang dating Pinoy Big Brother (PBB) Housemate na si Manolo Pedrosa sa bilis ng takbo ng kanyang career ngayon. Ayon sa 17-year-old na bagets, hindi niya talaga inaasahan na darating sa kanya ang ganitong suwerte.

Aminado rin si Manolo na nabigla siya dahil kasama na agad siya sa main cast ng bagong morning series ng ABS-CBN titled Oh My G! na pagbibidahan nina Janella Salvador at Marlo Mortel at mapapanood starting Monday, January 19, bago ang It’s Showtime.

“Sobrang happy po ako talaga, kasi hindi ko po ine-expect na after PBB ay magkakaroon po ako ng sariling show, na magiging bahagi po ako ng main cast,” masayang saad ni Manolo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang bagong TV series ng Kapamilya Network na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound last Tuesday, January 13.

Dagdag pa niya, “Sobrang nabigla ako talaga.

“Actually po, kahit after ko mag-PBB, talagang sobrang blessed po ako. Kasi bigla na lang may workshops na po ako, nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] na po ako. So sobrang nabigla talaga ako.”

Bukod dito ay meron na ring pelikula si Manolo.

“Opo, may movie na rin po ako, yung Stars Versus Me po,” matipid na sagot pa niya.

Ang Stars Versus Me ay isang indie movie na pagtatambalan nina Manolo at Maris Racal. Ito’y mula sa direksyon ni Joven Tan.

Nang usisain pa ng PEP kung ano ang napi-feel niya sa gumagandang showbiz career, mabilis niyang sagot, “Sobrang happy talaga, sobrang ‘Oh My G!’ talaga po ang napi-feel ko,” nakatawang tugon niya sa pagbanggit ng titulo ng kanilang TV series.

“Kaya po sobrang grateful talaga ako,” pahabol pa ni Manolo.

FRIENDLY COMPETITION. Dahil magka-love triangle sila rito ni Marlo Mortel kay Janella, masasabi ba niyang may competition sa kanila ni Marlo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually po, sa totoo lang, kasi since it’s a love triangle, it’s a competition talaga, mayroon po talagang competition sa amin ni Marlo. Pero for me, friendly competition lang naman po yun,” paglilinaw niya.

So ibig sabihin ay walang sapawan dito na mangyayari sa kanila ni Marlo?

Mabilis niyang sagot, “Ay, wala po! Actually nga po, minsan we hang out outside. So were friends naman talaga outside.

“Bale, roon lang po sa TV series magkakaroon ng competition sa amin ni Marlo.”

Kahit 17 years old na ay hindi pa siya nagkaka-girlfriend, nag-aalala ba siyang makakaapekto sa career niya ang pagiging in love?

“Hindi naman po talaga. Kasi before nag-showbiz po ako, ayaw ko talaga munang magka-girlfriend pa. Kasi gusto ko ay focused po ako sa studies ko.

“So ngayon naman, yung focus ko ay sa showbiz naman po,” pahayag niya.

ON JANELLA. Ano ang masasabi niya kay Janella?

“Noong una po, when we worked together sa MMK ay sobrang I found her super mabait.

“Kasi she was very patient with me. Kasi baguhan lang ako, so, mayroong times sa set na sobrang tagal ko pa bago mag-take.

“So she waits for me talaga, and I found her very patient and very nice with me po,” lahad ni Manolo.

Ayon pa kay Manolo, matagal daw siya bago ma-in love, kaya hindi niya masagot kung mangyayari ito sa kanila ni Janella.

“Ako kasi po, it takes a really long time before ma-develop ako sa isang girl. So siguro po, let’s find out po.”

Pero since madalas silang magkikita at magkakasama ni Janella dahil sa seryeng ito, posible kayang ma-develop nga sila sa isa't isa?

“Opo naman, anything’s possible naman po talaga. It just takes time,” nakangiting sagot pa ng binatilyong kilala rin sa tawag na "Tsinito."

THANKFUL FOR HIS BLESSINGS. Since may koneksiyon sa Diyos ang serye nilang Oh My G!, kumusta naman ang relationship niya with God?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sobrang strong po iyong relationship ko with God. Kasi every day, I thank Him talaga. Like, sobrang daming blessings every day e, so I’m very happy for it.”

Dahil nasa Pilipinas ngayon si Pope Francis, kung makapagbibigay siya ng message sa kanya, ano kaya ito?

“Sasabihin ko po sa kanya na, ‘Thank you,’ na marami siyang ibinigay na good teachings po,” pagpapasalamat niya.

Ang Oh My G! ay isang naiibang ‘love story’ na swak at napapanahon para sa mga kabataang Pinoy.

Ang pinakabagong feel-good drama series na ito ay magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos.

Tampok dito ang karakter ni Janella na dumaan sa matinding trahedya kaya parang tinalikuran niya rito ang Diyos. Dahil dito, makikita sa serye ang pagpaparamdam sa kanya ng Panginoon sa iba’t ibang anyo at pamamaraan.

Bukod kina Janella, Manolo, at Marlo, bahagi rin ng cast ng Oh My G! sina Sunshine Cruz, Dominic Ochoa, John Arcilla, Edgar Allan Guzman, at Janice de Belen.

Kasama rin sina Eric Quizon at Maricar Reyes para sa espesyal na partisipasyon. Ito ay sa direksyon nina Roni Velasco at Paco Sta. Maria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN