Marlene Aguilar attacks Pope Francis in Facebook posts, netizens react

Puro negatibong Facebook posts ang nakasaad sa account ni Marlene Aguilar laban kay Pope Francis na ikinagalit ng mga tagasunod at nagmamahal sa Santo Papa.


Habang nagdiriwang ang karamihang mga Pilipino sa pagdating ng Banal na Santo Papa na si Pope Francis sa Pilipinas, panay naman ang pagtuligsa rito ng kontrobersiyal na nakababatang kapatid ni Freddie Aguilar na si Marlene Aguilar.

Marlene Aguilar asks niece Maegan to stop bashing her dad Freddie in public

Read more at: http://www.pep.ph/news/43556/Marlene-Aguilar-asks-niece-Maegan-to-stop-bashing-her-dad-Freddie-in-public
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook
Marlene Aguilar asks niece Maegan to stop bashing her dad Freddie in public

Read more at: http://www.pep.ph/news/43556/Marlene-Aguilar-asks-niece-Maegan-to-stop-bashing-her-dad-Freddie-in-public
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

Marlene Aguilar asks niece Maegan to stop bashing her dad Freddie in public

Read more at: http://www.pep.ph/news/43556/Marlene-Aguilar-asks-niece-Maegan-to-stop-bashing-her-dad-Freddie-in-public
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

Sa Facebook posts ni Marlene mula pa nung January 16, panay ang post niya ng mga diumano'y krimen, hindi lang ni Pope Francis, kundi maging ng Catholic Church.

Kumuha pa siya ng mga quote mula sa mga artikulong lumabas mula sa ilang websites na nagbabalita ng mga diumano'y katiwalian at krimen ng Simbahang Katoliko.

Hindi lang isang beses din niyang pinaratangang "kampon ng dilim" si Pope Francis at tinawag niya pang "mga bobo" ang mga tagasunod nito.

Heto ang isang halimbawa ng kanyang posts:

Aniya pa, “I do not see Pope Francis as a servant of good, or an ally of god. In my opinion, he is evil. And I think those who follow him are idiots.”

Dahil dito, marami ang nagpahayag ng kanilang reaksiyon sa kanyang Facebook wall.

Magkakahalo ang reaksiyon, may mga sumang-ayon, ngunit mas marami ang tumuligsa sa kanya.

May ilan pang nag-post sa kanyang wall ng mga kabastusan at offensive images at words bilang buwelta sa mga pinaglalagay niyang posts laban kay Pope Francis.

Ayon pa sa ilang sumagot kay Marlene, pawang "fictional courts" ang mga binanggit sa mga artikulong pinagkuhanan niya ng quotes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang sagot naman sa mga tumutuligsa sa kanyang mga posts, buwelta ni Marlene:

“When people call me all sorts of bad names, I don't get insulted. Why? Because I know people's judgement against me is not true. So why does it offend you that I do not like your Pope? In my opinion, he serves evil and darkness. And there is nothing you can do to change how I feel. - She Dragon.”

Para mabasa ang iba pang posts ni Marlene, pindutin lamang ito.

Nung Huwebes, January 16, isa ding Facebook post ng isang director laban kay Pope Francis ang ikinagalit ng mga tao.

Read: Director angers netizens for criticizing Pope Francis on social media

Unang bumalandra sa mga balita ang pangalang Marlene Aguilar nang maging suspect sa pagpatay ang anak nitong si Jason Ivler.

Read: Marlene Aguilar-Pollard on son Jason Ivler: "He is the price I pay for being the kind of person I am."

Muli siyang pumasok sa kontrobersiya nang makisali sa alitan sa pagitan ng pamangkin niyang si Megan Aguilar at ama nitong si Freddie.

Read: Marlene Aguilar asks niece Megan to stop bashing her dad Freddie in public


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN