Dominic Ochoa on secret to showbiz longevity: “’Di ka rin tatagal dito kung hindi ka marunong makisama.”

Dominic Ochoa airs his observation among today’s kids: “May mga napapansin lang ako... Maraming iniintindi ang mga bata na imbes na parang kuwento nga ng kaibigan ko, nakipag-date ang anak niya, ang kaharap, telepono. Imbes na bumati at makihalubilo sa tao, kumain nang sabay-sabay, puro gadgets, napapabayaan ngayon ang relasyon nila sa tao at sa Diyos.”


Mula nang ilunsad si Dominic Ochoa bilang bahagi ng Star Circle Batch 4 noong 1996 ay nananatiling loyal Kapamilya ang aktor.

Hindi man naging leading man gaya ng ibang ka-batch niya na sina Rico Yan at Diether Ocampo, nakilala ang husay ni Dominic bilang isang character actor kunsaan hanggang ngayon ay visible siya sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dominic sa presscon ng Oh My G! noong January 15, nagpahayag siya ng pasasalamat sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Kapamilya network.

“So thankful, parati ko namang sinasabi ‘yan.

“Ipinagdarasal natin parati na maging patient lang tayo, 'di naman tayo pinababayaan ng Dos.

“I am always thankful and excited sa mga sumusunod na trabaho kasi iba-iba, e.

“Maybe the plot is just the same... 100 Days ba ‘yan o ano? The messages, they’re all the same, but kung paano mo lang ipararating sa kanila.”


SPIRITUAL BELIEF. Dahil ang tema ng Oh My G! ay tungkol sa problemang kinahaharap sa buhay ni Sophie, na ginagampanan ni Janella Salvador, at sa pagkukuwestiyon nito sa kanyang pananalig sa Diyos, tinanong si Dominic kung dumating ba siya sa puntong naramdaman din niya ito?

Tugon niya, “I always believe in Him.

"Sabi nga ni Janice [de Belen], mayroon kang parating tanong, like, 'Bakit ako? Bakit kailangang ngayon?'

“Pero ako, I always believe na there’s always a reason kung bakit nangyayari yun and you have to think positive all the time.

“Ako din naman, nagtatanong ako ng ganyan. Pero 'pag tinatanong ko ‘yan, for less than a week, may sagot kaagad.

"Huwag mo nang damdamin, just move on, there’s something promising na darating sa iyo.”

“Maaaring ‘yan nga ang message nito pero maaaring magdasal tayo.

“Ako, kahit gaano ka-busy, magsisimba ka na nga lang, nakakalimutan mo pa.

“'Pag minsan siyempre, my wife, busy din sa trabaho, pero ako pinipilit kong um-attend talaga ng Mass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako ang padre de pamilya, as much as possible, magsisimba kami para lumaki yung bata na may magandang relasyon sa Diyos.

"I think that is really important and those values have to be instilled in kids now," pahayag niya.


IMPRESSED WITH YOUNG STARS. Wala namang masasabi si Dominic sa propesyunalismo na nakikita niya sa mga kabataang artista na kasama niya sa Oh My G!

Pagpuri niya, “Iba na, e.

“Ngayon ko nararamdaman na ito na, yung mga bata, they are different.

"We are lucky na 'di sila ma-playtime masyado compared during our time na grabe yung pasaway.

“When it's time to work, work mode sila. Although itong set na ito, kapaan pa ang lahat, e.

“Bago ang production team, sila bago, lahat kami bago sa isa’t isa.

“I worked with some... Si Marlo [Mortel], si Janella naka-MMK [Maalaala Mo Kaya] ko na. Si Sunshine naka-MMK ko na.

“I’m pretty much excited.

"Medyo stiff kasi ang role ko dito, 'di ko sila masyadong kinakausap, pero pagdating sa rehearsal, nagpapatawa ako sa kanila.”


GRIPE AGAINST YOUNG ACTORS. May ilang mga betaranong artista ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya dahil daw sa kawalan ng respeto ng ilang mga kabataang artista ngayon.

Wala pa namang personal na karanasan na ganito si Dominic, pero may napapansin daw siya sa ilang kabataang artista.

Lahad niya, “Hindi naman kaangasan siguro, but I think we need to... kasi 'di naman itinuro sa akin ng mga magulang ko yun...

“Pero sa nakikita ko, you are in the business na ang magpapatagal sa iyo is your relationship with people.

“You, your production, your co-actors, yun ang dapat ipamahagi din natin sa kanila na 'di ka rin tatagal dito kung hindi ka marunong makisama.

"Sabagay, sa amin, hindi rin naman itinuro sa workshops yun, pero not naman everyone, may ilan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga napapansin lang ako... Kaya nga sinabi ko kanina, maraming iniintindi ang mga bata na imbes na...

"Parang kuwento nga ng kaibigan ko, nakipag-date ang anak niya, ang kaharap, telepono.

“Imbes na bumati at makihalubilo sa tao, kumain nang sabay-sabay, puro gadgets.

"Napapabayaan ngayon ang relasyon nila sa tao at sa Diyos.”


MARRIED LIFE. Si Dominic ay kasal sa make-up artist/model na si Denise Go at mayroon silang isang anak na lalaki.

Nagpapasalamat daw si Dominic dahil maayos ang pagsasama nilang pamilya.

“Masarap, sobrang thankful. Ine-embrace ko lang yung mga blessings.

“'Di naman lahat perpekto, may mga struggles, pero gaya nga ng ganun, kung 'di ako malapit sa Diyos, baka hiwalay na kami.

“Example, nag-away kayo, kung yung dating Dominic pa ako, baka 'di na naayos.

"Ako, ako pa yung, 'Let’s fix this, mag-usap tayo.' Basta gagawan ko ng paraan.

“We are not a perfect family to show to everyone, pero gusto kong ipakita sa sarili ko, nag-bind na kami together sa Diyos at sa mata ng mga magulang namin at ng tao.”

Papayagan ba niyang mag-artista rin kung sakali ang kanyang anak na si Jose Alissandro?

Tugon ni Dominic, “Tapusin niya muna ang pag-aaral niya. Bahala na, we’ll see.

“Only God knows. Pero for me, ang priority ko, yung pag-aaral niya.

“Kung ito naman ang tadhana ng Diyos para sa kanya, bakit hindi? Hindi ko siya pipigilan.

"Pero ang importante sa akin talaga is to give him a good education."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN