Selfie photo of Miss Universe candidates from Israel and Lebanon stirs controversy

Ang kontrobersiyal na selfie photo na kinunan ni Miss Israel Doron Matalon (far left), katabi si Miss Lebanon Saly Griege. Nasa photo rin sina Miss Slovenia (third from left) at Miss Japan.


Nagkaroon ng kontrobersiya ang nalalapit na Miss Universe event ahil sa isang picture kung saan magkasama ang mga kandidata mula sa Israel at Lebanon.

Ang Lebanon at Israel ay may tensiyon sa loob ng maraming taon dahil sa border conflict.

January 11, Linggo, nang i-post ni Miss Israel Doron Matalon sa kanyang Instagram account ang larawan kung saan magkakasama sila nina Miss Lebanon Saly Greige, Miss Slovenia, at Miss Japan.

Umani man ito ng suporta, mayroon din namang hindi natuwa dahil nga sa matagal nang sigalot sa pagitan ng dalawang bansa sa Western Asia.

Sa kanyang Facebook account noong January 17, ipinaliwanag ni Miss Lebanon kung paano nakunan ang larawan.

Aniya, pagdating pa lang niya sa venue ng Miss Universe ay ingat na ingat siyang huwag magkaroon ng larawang magkasama sila ni Miss Israel, na ilang beses daw tinangkang magsama sila sa isang picture.

Pero tungkol sa kontrobersiyal na larawan, bigla na lang daw sumama si Miss Israel at hindi nagpaalam na kukuha ng “groufie” at ipinost sa kanyang Instagram account.

Sabi ni Miss Lebanon: “To all my supporters and Lebanese citizens, I would like to thank you indeed for your continuous support of Miss Lebanon at the Miss Universe contest …

“The truth behind the photo: Since the first day of my arrival to participate to Miss Universe, I was very cautious to avoid being in any photo or communication with Miss Israel (that tried several times to have a photo with me) …

“I was having a photo with Miss Japan, Miss Slovenia and myself; suddenly Miss Israel jumped in, took a selfie, and put it on her social media…this is what happened and I hope to have your full support in the Miss Universe contest.”

Kinabukasan, sumagot naman si Miss Israel at nag-post din sa kanyang Facebook account hinggil sa kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, hindi niya ikinagulat ang reaksiyon, pero ikinalulungkot pa rin niya ito.

Idinagdag niyang pagkakataon sana ito na sa maikling panahon ay maisantabi ang hindi pagkakaunawaan at makilala ang mga kapwa kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

“It doesn't surprise me, but it still makes me sad.

"Too bad you can not put the hostility out of the game, only for three weeks of an experience of a lifetime that we can meet girls from around the world and also from the neighboring country.”

Gaganapin ang 63rd Miss Universe sa January 25 (January 26 sa Pilipinas) sa Florida, USA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN