John Prats’s wedding gift to fiancée Isabel Oli: Vera Wang wedding gown!

John Prats on marrying Isabel Oli: “Every relationship naman for me is really special, is really different. This one lang siguro, dito mo lang malalaman na you don’t plan things. Nung nakita ko si Liv [Isabel], alam ko na agad na siya ang pakakasalan ko. You just know, you don’t plan.”


Sa Los Angeles, California nag-celebrate ng New Year ang engaged couple na sina John Prats at Isabel Oli.

Nauna roon ang buong pamilya ni John para sa doon mag-Pasko at bago mag-Bagong Taon ay sumunod naman si Isabel.

Habang naroroon ay inasikaso na rin ng dalawa ang wedding gown ni Isabel.

Lahad ni John nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, January 18, “First time ni Liv na mag-States.

“Nung January 1... sinurprise ko siya nung Christmas na yun ang regalo ko sa kanya, ticket.

“’Tapos nagsukat na siya ng wedding gown niya, dun siya nagpa-fitting... si Vera Wang.

“Yun ang wedding gift ko sa kanya.”

WEDDING IN BATANGAS. Samantala, sa Mayo na magaganap ang kasal nina John at Isabel sa farm ng mga Prats sa Batangas.

Sa ngayon ay abalang-abala na ang magkasintahan sa pag-aasikaso sa espesyal na araw na ito para sa kanila.

Sabi ni John, “Super excited na ako, that’s why, now, nagpe-prepare na kami for the big day.

“Ayun, medyo ngarag, kasi malapit na, four months na lang.

“Meeting-meeting pa lang kami kung sino ang florist namin, ano ang magiging hitsura ng wedding namin.”

Sinu-sino ang kabilang sa kanilang wedding entourage?

Sabi ng Kapamilya actor-TV host, “Wala pa, yun ang pina-finalize namin. Yung ninong-ninang, pina-finalize namin.

“Si Tito Boy [Abunda] pa lang na-confirm namin."

Paliwanag ni John tungkol sa pagkuha nila kay Boy, “Buong buhay ko, lagi ko siyang kasama, lagi siyang nagbibigay ng advice sa akin, kahit very minimal lang yung time na magkasama kami.

“So, that’s why we decided na Tito Boy talaga.

“Never niya akong pinabayaan, every interview namin and every issues na dumating sa buhay ko.”

Bakit sa farm nila sa Batangas ang napili nilang venue ng kanilang kasal?

Paliwanag ni John, “Una sa amin ‘tapos gusto namin na intimate din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para ma-feel at home din yung feeling namin… hindi kami yung pumunta sa isang venue at dun ikinasal.

“Gusto namin at home yung feeling, relaxed.”

PERFECT TIMING. Hindi naman lingid sa karamihan na marami nang pinagdaanan sa larangan ng pag-ibig si John, ngunit sa huli nga ay si Isabel ang pinili niyang makasama habambuhay.

Pahayag niya, “Every relationship naman for me is really special, is really different.

“This one lang siguro, dito mo lang malalaman na you don’t plan things.

“Nung nakita ko si Liv [Isabel], alam ko na agad na siya ang pakakasalan ko.

“You just know, you don’t plan.”

Para kay John, “perfect timing” ang nangyari sa kanila ni Isabel.

Bagamat nagkasama na sila sa teleseryeng It Might Be You noong 2004, noon lamang 2013 namuo ang kanilang relasyon.

“Siguro, kung noon ko siya nakilala, hindi siguro ganito ngayon.

“I think it’s the perfect timing na parehas kami, na nasa same level na yun ang gusto namin.

“Crush ko siya dati, pero I never attempted na ligawan siya.

“I just broke up with Heart [Evangelista] that time, nung nagkakilala kami.

“Gusto ko munang mag-relax, saka bata pa ako nun, gusto ko munang mag-enjoy.”

HONEYMOON DESTINATION. Wala pa raw partikular na lugar na naiisip si John para sa honeymoon nila ni Isabel.

Aniya, “Actually, pati siya excited about it. I’m really excited about it.

“Pero siguro, ang focus namin ngayon ay dun sa wedding.

“We will think after that kung saan kami magha-honeymoon.

“Madami… Maldives, Europe, New York siguro.

“Marami kaming gusto, but we have to think kung ano talaga ang gusto namin.”

Dahil pareho silang artista, hindi raw isyu kay John kung gustuhin ni Isabel na ipagpatuloy nito ang pag-aartista.

“Ako naman, kung ano ang gusto niya, suportahan ko siya.

“Kung gusto niyang mag-housewife, kung gusto niyang alagaan ang mga bata, eventually gusto niyang mag-artista, I’m just here to support her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang gusto niya, I’m not here to stop her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN