#PopeFrancisPH: Pope Francis’s concluding mass in Luneta breaks attendance record

Pope Francis’s concluding mass in Quirino Grandstand last Sunday, January 18, attracted six million devotees amidst non-stop rain and cold weather.


Naging sentro ng atensiyon ang Pilipinas sa loob ng limang araw, mula January 15 hanggang 19, dahil sa pagbisita ni Pope Francis.

Nakapukaw rin ng atensiyon sa iba't ibang bahagi ng mundo ang misang pinangunahan ng Santo Papa sa Quirino Grandstand, sa Rizal Park, Manila, noong Linggo ng hapon, January 18, kung saan tinatayang 6 million katao ang dumagsa para makiisa sa misa.

Nalampasan nito ang world record para sa isang Papal mass noong 1995, kung saan 5 million ang dumagsa sa misa ni Pope John Paul II sa pareho ring venue.

Dahil dito, naging mainit na paksa sa international media ang bilang ng mga taong dumalo sa misa ni Pope Francis.

Ayon sa Today Show sa Amerika, maliban sa na-break ng misa ni Pope Francis ang record ng misa ni Pope John Paull II, mas marami rin ito sa mga taong dumalo sa unang inauguration ni US President Barack Obama noong 2009 (1.8 million) at ang royal wedding nina Prince Charles at Princess Diana sa London noong 1981 (1 million).

Sa isang panayam, sinabi naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na namangha si Pope Francis sa dami ng mga taong dumalo sa kanyang misa.

“I cannot fathom the faith of the simple people," ito raw ang nasambit ng Papa, ayon kay Tagle pagkatapos ng misa sa Luneta.

Si Tagle ang nagsilbing "chaperone" ni Pope Francis sa kanyang apostolic visit sa Pilipinas.

Itinuturing na "Catholic Church’s bastion in Asia" ang Pilipinas dahil 80 percent ng populasyon nito ay Katoliko.

Ang Pilipinas ang ikatlong bansa na may pinakamalaking Catholic population, kasunod ang Brazil at Mexico.

Samantala, ang pangunahing rason ng pagpunta sa Pilipinas ng Santo Papa ay upang ipakita ang kanyang simpatiya sa mga Pilipinong biktima ng super-typhoon Yolanda na nanalanta sa Visayas region noong November 2013.

January 17, Sabado, lumipad mula Maynila patungong Tacloban City si Pope Francis para sa isang misa kasama ang Yolanda victims.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gitna ng tropical storm Amang, na may Signal No. 2, itinuloy ang misa na dinagsa ng may tinatayang 150,000 hanggang 200,000 katao na ginanap sa airport.

Nakatakda sanang manatili ang Papa sa Leyte hanggang alas-singko ng hapon, subalit dahil sa malakas na ulan, napaaga ang flight niya pabalik sa Maynila.

Kinabukasan, January 18 ng umaga, tumungo sa University of Santo Tomas (UST) si Pope Francis para sa Encounter With the Youth kung saan may 20,000 estudyante ang dumalo.

Tinaguriang biggest Catholic university in Asia ang UST.

Pagsapit ng hapon, nagtungo naman si Pope Francis sa Luneta para sa Papal mass, na siya ring pinakahuling misa niya sa kanyang five-day visit sa Pilipinas.

Sa buong araw man ng ulan at malamig na temperatura, hindi natinag ang may anim na milyong katao para dumalo sa misa at makiisa sa Santo Papa, dahilan upang mapansin tayo ng buong mundo.

January 19, Lunes, dakong ika-9:30 ng umaga nang lumabas si Pope Francis sa Apostolic Nunciature sakay ng kanyang popemobile at nagtungo sa Villamor Airbase, Pasay City, para sa kanyang biyahe pabalik ng Vatican.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN