Alice Dixson refuses to reveal details about "girl talk" with BB Gandanghari

Alice Dixson on Rustom Padilla/BB Gandanghari: “Rustom naman kasi was such a nice person. We worked so well together. And he’s like the nicest person to work with.Siyempre, medyo nalungkot ako when there were nasty gossips about him. But now, as BB, I can see that she has survived everything. I am proud to say that BB is showing her true self. She finally has freedom to express whatever she wants.”


Bumagay kay Alice Dixson ang bagong niyang look, na unang nasilayan ng media nang dumalo siya sa grand launch ng “Happy Sa 2015” campaign ng TV, na ginanap sa Sampaguita Gardens noong January 13.

Nagpagupit si Alice para sa character niya bilang fashion editor sa bagong sitcom ng TV5 na 2 ½ Daddies, kunsaan kasama niya ang magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari.

“New look for the new year!” bulalas ng aktres nang batiin ng media ang bagong look niya.

PADILLA SIBLINGS. Ito ang unang pagkakataong makatrabaho ni Alice sina Robin at Rommel, kaya bagong experience daw ito para sa kanya.

“Never kong nakatrabaho si Robin sa movies.

“I know that may mga plans noon when we were still at Viva Films, pero nothing materialized.

“I’ve worked with so many leading men noon, pero never si Robin. Even with Rommel.

“Kaya first time ko to work with them talaga

“But with BB, when she was still Rustom Padilla, marami kaming nagawang movies kunsaan leading man ko siya.”

Nagtambal sina Alice at Rustom sa mga pelikulang Hanggang Saan, Hanggang Kailan (1993); Sana Dalawa Ang Puso Ko (1995); The Jessica Alfaro Story (1995); May Isang Pamilya (1999); at Ganito Ako Magmahal (1999).

Patuloy ni Alice, “After our last movie together, wala na kaming naging communication.

“I heard a lot of gossips about him in the past, pero never naman akong nag-comment about Rustom.

“Rustom naman kasi was such a nice person. We worked so well together. And he’s like the nicest person to work with.

“Siyempre, medyo nalungkot ako when there were nasty gossips about him.

“But now, as BB, I can see that she has survived everything.

“I am proud to say that BB is showing her true self.

“She finally has freedom to express whatever she wants.”

MEETING BB. Hindi ba nailang si Alice sa unang pagkikita muli nila ni Rustom, na ngayon ay BB Gandanghari na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng aktres, “We had a chance naman to work with one another, dito rin sa TV5, via Enchanted Garden.

“Doon kami unang nagkita ulit, at BB Gandanghari na siya.

“Wala namang awkward moment kasi magkaibigan naman kami noong si Rustom pa siya.

“Siyempre, iba na ang situation and marami akong gustong itanong sa kanya.

“We had a chance naman to have girl talk noong nagte-taping na kami ng 2 ½ Daddies.

“At siyempre, sa amin na lang yung mga pinag-uusapan namin!” tawa pa niya.

Ang role ni Alice sa 2 ½ Daddies ay dating childhood sweetheart ng role ni BB. Nag-abroad ito at nang bumalik ay bilang isang transgender na.

“I’m paired here with Robin who owns a boarding house and he runs it with Rommel and Tita Celia [Rodriguez].

"Until a baby was left on their doorstep at sila na nag-alaga.

“It’s very funny story about two men and isang transgender trying to raise a baby.

“It’s a riot kapag silang magkakapatid ang magkakaeksena. It’s like anything goes with them kaya natural na natural.

“At ang asaran pa nila, medyo personal ang dating na sila-sila lang ang nakakaintindi kaya sobrang nakakatawa.

“I am so happy to be part of the cast kasi magulo, pero masaya kaming lahat kapag taping day na,” sabi ni Alice.

Nabanggit din ni Alice na malapit nang mag-expire ang pinirmahan niyang exclusive contract sa TV5.

STILL A KAPATID. Ayaw ikumpirma ng aktres kung may offers siya mula sa ibang TV networks dahil makikipag-meeting na raw siya with the executives of TV5.

“Makikipag-meeting naman na ako with TV5.

“Sa totoo lang naman, happy ako with TV5, and they’ve been very generous and patient with me since I started working with them in 2011.

“Wala naman akong reklamo sa mga projects na ibinibigay nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The very fact that I’m in their new sitcom, it only means that I will be staying.

“Kapatid pa rin tayo!” bulalas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN