Shalala thankful to German Moreno for taking him back in GMA

Shalala to Kuya Germs: "Basta lagi lang niyang tatandaan na marami kaming nagdarasal sa kanya sa mabilis niyang paggaling. Nandidito lang ako at nagmamahal sa kanya, nandidito lang kami at naghihintay sa kanyang pagbabalik. Basta mahal na mahal ko siya forever."


Hindi raw naiwasang maluha ni Shalala nang makarating sa kanya ang balitang naospital ang itinuturing niyang discoverer na si German “Kuya Germs” Moreno dahil sa mild stroke.

Lahad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam mo naman na mahal na mahal ko si Kuya Germs.

“Kahit na nagtampo ‘yan sa akin nung mga panahong lumipat ako ng TV5, mahal na mahal ko siya.

“Everybody knows naman, ‘di ba, na siya ang discoverer ko?

“Siya ang nagbigay sa akin at naniwala sa talent ko. Siya rin ang nagbigay ng pangalan kong Shalala.

“Masasabi kong kung wala si Kuya Germs, na nagbigay ng chance sa akin, walang Shalala.

“Kaya nung nalaman ko yung balita, nagdasal ako na sana pagalingin Niya si Kuya Germs.”

Patuloy niya, “’Tapos nung dinalaw ko siya [sa St. Luke’s], natatakot akong umakyat sa room niya.

“Kasi ang feeling ko, baka iba yung hitsura niya, kaya nagdarasal ako paakyat.

“Halos hindi ko maihakbang yung mga paa ko, kasi baka nga iba yung hitsura ni Kuya Germs na makita ko.

“Kasi ‘pag ganun yung nangyari, baka humagulgol na lang ako.

“Kasi ganun ako ‘pag mahal ko yung tao, ayoko kasi siyang makita na iba yung hitsura.

“Pero nung nakita ko siya, nawala lahat yung ‘di magandang naglalaro sa isip ko.

“Kasi ganun pa rin yung hitsura niya, walang nabago. Natutulog lang siya nung makita ko.

“’Tapos nung nagising siya, nakita niya ako, kumaway siya sa akin, dun ako mas natuwa.

“Hindi man kami nakapag-usap noon, kasi nga alam ko nanghihina pa siya, pero alam ko na okey na siya.”

MEESAGE TO KUYA GERMS. Sa kasalukuyan ay nakauwi na ng kanyang bahay ang veteran TV host at doon na nagpapagaling.

Sabi ni Shalala, “Happy ako kasi nakalabas na ng hospital si Kuya Germs.

“Sana magtuluy-tuloy na yung mabilis niyang paggaling para makabalik na siya sa kanyang mga trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero this time, dapat hindi na kailangang sagad sagad na trabaho, kailangan din ng pahinga.

“Alam naman natin na sobrang workaholic si Kuya Germs, sanay na maraming ginagawa sa loob ng isang araw.

“Pero ipagpatuloy pa rin natin ang pagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.”

Mensahe pa niya kay Kuya Germs, “Basta lagi lang niyang tatandaan na marami kaming nagdarasal sa kanya sa mabilis niyang paggaling.

“Nandidito lang ako at nagmamahal sa kanya, nandidito lang kami at naghihintay sa kanyang pagbabalik.

“Basta mahal na mahal ko siya forever.

“Ipagpatuloy lang niya yung paglaban para mabilis ang kanyang paggaling.

“Si Kuya Germs pa, matapang ‘yan, kaya alam kong kayang-kaya niya ‘yan.”

BACK TO GMA. Samantala, masaya rin si Shalala dahil nakabalik na siya sa GMA Network.

“Happy ako kasi nandidito ulit ako sa Kapuso at may trabaho.

“Sa akin naman kasi, kung saan may trabaho, dun ako, kasi lahat naman tayo kailangan ng trabaho.

“Thankful lang talaga ako kay Kuya Germs kasi tinanggap niya ako ulit sa Walang Tulugan kung saan ako nagsimula at nakilala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN