Ai-Ai delas Alas on questions about her lovelife: “Ayoko nang pag-usapan siya.”

Ayon kay Ai-Ai delas Alas, ang pinakamalaking unos na napagdaanan niya sa kanyang buhay ay ang nangyari sa kanyang marriage kay Jed Salang. Pero para sa kanya, lagi niyang iniisip na kapag nadapa siya ay pinipilit niyang bumangon.


“Ay, huwag nang lovelife, please huwag muna.”

Ito ang pakiusap ni Ai-Ai delas Alas sa mga miyembro ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang makapanayam siya sa presscon ng kanyang concert na Ai Heart Papa ngayong araw, January 21.

Simula nang umani ng batikos si Ai-Ai, 50, dahil sa relasyon nila ng 21-year-old na si Gerald Sibayan, naging mailap na ang komedyana na pag-usapan ang kanyang buhay pag-ibig.

Marami ring naging bashers si Ai-Ai dahil sa halos 30 years na agwat ng kanilang edad ni Gerald.

Giit pa niya, “Ayoko munang pag-usapan yung lovelife.”

Matatandaang unang umamin sa PEP ang boyfriend ni Ai-Ai na si Gerald tungkol sa kanilang relasyon noong September 15, 2014.

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

“NICE, GOOD, HAPPY.” Anong klaseng Valentine's kaya mayroon siya sa susunod na buwan?

Natatawang tugon ni Ai-Ai, “A, nice, good, happy!”

Nasasabi ba niya ito dahil nahanap na niya ulit ang kaligayahan ng kanyang puso?

Aniya, “Dati pa namang maligaya ang puso ko, e.”

Bakit ayaw na niyang pag-usapan ang kanyang lovelife? Nawawala na ba yung romantic side niya?

Pakiusap niya muli, “Ayoko na lang pag-usapan yung lovelife ko. Ayoko nang pag-usapan siya.”


"I WILL SURVIVE." Ngayong masaya na ulit ang kanyang puso, ano ang bagay na kanta para sa kanya?

Natatawang sagot ng Comedy Concert Queen, “Parati naman, every year, 'I Will Survive.'

“Every year naman yun talaga, 'I Will Survive.'

"Lahat ng unos, kailangan ko siyang… kung hindi ko man ma-survive, kailangan kong i-survive.”

Ano naman sa tingin niya ang pinakamalaking “hamon sa buhay” na kanyang na-survive?

Seryosong sagot niya, “Of course naman, yung marriage ko.

"Wala namang babaeng gusto na pariwara yung marriage niya.

"Pero hindi, e, ganun talaga.

“So, we need to move on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang panandaliang pagsasama nila ng dating asawa niya na si Jed Salang.

Halos isang buwan lang kasi ang itinagal ng kanilang pagsasama matapos silang ikasal noong April 2013 sa Las Vegas.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms split from husband Jed Salang; cites physical abuse and third party as reasons

Ani Ai-Ai, marami na siyang natutunan sa buhay at isa na nga rito ay ang pagbangon.

“Ay, oo, ganun talaga ang buhay, up and down, down and up, up and down.

“Ganun talaga ang buhay.

"Parati lang nating tatandaan na kahit nakadapa ka, darating ang panahon na babangon ka ulit. Parati namang ganun.

“And it’s good na… yun yung maganda na parati kong isinasapuso at isinasaisip na ‘pag bumagsak ako, bumabangon ako kaagad.

“And gusto ko yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN