Manny Pacquiao gives Floyd Mayweather Jr. an ultimatum for their fight

When Manny Pacquiao was asked why does he think Floyd Mayweather Jr. is ducking him for a boxing match, the Filipino boxer replied, “Maybe he’s scared to lose.”


“We're waiting for the signed contract from them.”

Ito ang sagot ni eight-division champion Manny Pacquiao nang hingan ng pinakahuling update hinggil sa planong paghaharap nila ng American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Lumabas ang panayam sa Pinoy boxing champ sa website ng ESPN nitong January 20, 2015, ET o Eastern Time Zone sa US.

Dagdag ni Pacquiao, sumang-ayon siya at ang kanyang promoter na si Bob Arum sa lahat ng kundisyon ni Mayweather.

“Me and my promoter, we both agree to the terms and conditions. Whatever he want[s], we agreed to that already. We're just waiting for the signed contract.”

May indikasyon ba si Pacquiao na sasang-ayon si Mayweather sa nasabing “terms,” na kung tutuusin ay terms talaga ng American boxer?

Tugon niya, “The initial conversation, we both agreed. We're just waiting for the signed contract.”

Sa pagkakaunawa ni Manny, siya at si Mayweather “have agreed to terms” at pirma na lamang ng American boxer ang hinihintay para matuloy na ang labang inaasam ng boxing enthusiasts.

Kailan niya inaasahan ang pirma ni Mayweather?

"I don't know, but we have a time limit for them."

Hanggang kailan ang deadline na ibinigay nila?

Sabi ni Manny, “Until February.”

Ito ba ay sa katapusan ng January, sundot na tanong ng ESPN writer at contributor na si Sam Alipour.

“Yes,” pagkumpirma ni Manny.

Sinabi pa ni Manny na sumang-ayon sila sa kagustuhan ni Mayweather na gawin ang laban sa May 2 at 60-40 ang share, pabor kay Mayweather.

“I agreed to that. Whatever he wants, I agreed,” anang Saranggani governor.

Wala rin daw problema sa hiling ni Mayweather na sumailalim si Pacquiao sa drug testing.

Sabi ni Manny, sa simula pa lang ay sumang-ayon na siya sa drug testing.


MAYWEATHER SCARED TO LOSE? Sa kabila ng pagsang-ayon ni Manny sa lahat ng kundisyon ni Mayweather, wala pa ring kumpirmasyon ang huli na ituloy ang laban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nagtataka si Manny kung bakit ayaw siyang harapin ni Mayweather sa isang laban?

Tugon niya, “You know, first, before, his reason was drug testing. But he knows that's not a problem before.

"I already agreed to whatever his terms and conditions.

“He's just making that alibi, to make a reason to avoid the fight.”

Sinabi pa ni Manny na naniniwala siyang iniiwasan siya ni Mayweather dahil mas malaki ang mawawala sa American boxer bilang undefeated boxing champ.

Bakit naniniwala siyang iniiwasan siya ni Mayweather?

“I don't know. Maybe he's scared to lose,” sagot ni Manny.

Hindi rin daw nababahala si Manny na underdog ang tingin sa kanya at mas marami pa rin ang naniniwalang mananalo si Mayweather sa kanilang laban.

“It's good. When I fought [Oscar] De La Hoya, it was 8-1[in favor of De La Hoya].

"If I'm favored, I'm very confident and not focused.

"If I'm underdog, it's like 200 percent focus in training."

Naglaban sina Pacquiao at De La Hoya noong 2006, at si Manny ang nanalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN