Angelica Panganiban: "Ako pala yung mapapangasawa ni John Lloyd Cruz! Wow, clinaim!”

Angelica Panganiban on wedding talks with John Lloyd Cruz: “Actually, kapag pinag-uusapan namin siya, natatawa kami, nau-awkward kami.Para kasing puwede siyang mangyari. Kumbaga, nasa tamang edad na kami para gawin yun," says the 29-year-old actress who’s very vocal about wanting to end up with her boyfriend of more than two years.


“Basta sinasabi ko sa kanya, na kapag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao.”

Ito ang pahayag ni Angelica Panganiban, 29, nang tanungin kung handa na siyang magpakasal sakaling mag-propose sa kanya ang kasintahang si John Lloyd Cruz, 31, ngayong taon.

Sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tadhana kagabi, January 21, bukas ang Kapamilya actress sa pagsasabing si John Lloyd ang gusto niyang makasama habambuhay.

“Sana, 'di ba? Kaya ka naman nasa isang relationship dahil gusto mo yun na talaga.

“Tinatrabaho niyo yun every day na mag-work yung relationship niyo para mauwi kayo sa magandang samahan panghabang-buhay,” pahayag ni Angelica.

Inamin din ng aktres na napag-uusapan na nila ni John Lloyd ang pagpapakasal, lalo pa't pareho na silang nasa tamang edad.

“Actually, kapag pinag-uusapan namin siya, natatawa kami, nau-awkward kami.

“Para kasing puwede siyang mangyari. Kumbaga, nasa tamang edad na kami para gawin yun.

“So, parang kapag pinag-uusapan siya, medyo kinikilig kami, 'Yihee... 'Wag muna! Sandali nga!'

"Parang medyo nakakailang siya pag-usapan!" natatawang kuwento ni Angelica sa entertainment press.

May mga pagkakataon din daw na humihirit si John Lloyd kung ano ang dream wedding nito.

Sabi ni Angelica, “At saka kapag may ikinakasal kaming mga kaibigan, ganun.

“May mga ano siya, 'Ako 'pag kinasal, ganyan.'

"Sabi ko, 'Hmmm, para namang ikakasal ka!'

"Nagpaparinig akong ganun. Wow!"

Kinikilig ba siya sa tuwing may mga hirit o kaya ay napag-uusapan nila ni John Lloyd ang kasal?

Pag-amin ni Angelica, “Oo naman! Haba ng hair!

"Ako pala yung mapapangasawa ni John Lloyd Cruz! Wow, clinaim!”


DREAM WEDDING PROPOSAL. Sa puntong ito ay ibinahagi ni Angelica na bukas siya sa pagsasabi kay John Lloyd kung anong klaseng wedding proposal ang gusto niya.

“Oo, sinabi ko talaga!

"Kapag may nakikita ako [na mga wedding proposal], 'Uy, kapag nag-propose ka sa akin, ayoko ng ganyan, ha. Ayoko ng mga may fireworks. Gusto ko medyo ano, [private].'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta sinasabi ko sa kanya, 'pag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao. Ayoko ng event.

“Gusto ko, parang kami lang, family.

“Ako yung nag-direct ng proposal!” napahalakhak na turan ni Angelica.

Nang tanungin kung hindi siya pabor sa wedding proposal on national television, ito ang pahayag ng Kapamilya actress: “Well, hindi naman ako against [dun].

“Parang mas sincere lang, mas solemn lang kapag kayo lang. Yun lang naman ang point ko.

“Kung gusto niya [John Lloyd], kahit saan, okey lang din.

“Ang importante, nag-propose! Hindi na ako choosy!”

Matatandaang noong October 2012 nang isapubliko ni John Lloyd ang tungkol sa relasyon nila ni Angelica.

Mula noon ay marami na ring pinagdaanang intriga ang magkasintahan, ngunit nananatiling matatag ang kanilang samahan.

Tila aprubado rin ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nina Angelica at John Lloyd.

Sa katunayan, kasama ng dalawa ang ilan sa kanilang mga kaanak sa month-long vacation nila sa U.S. late last year.

Kasama ni John Lloyd ang pamilya ni Angelica na sinalubong ang Bagong Taon.

Happy New Year!!!! Kissing 2014 goodbye 😘 and welcoming 2015 with a big hug!!! 😇

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onDec 31, 2014 at 7:00am PST

Habang si Angelica naman ay aprubado rin ng mga magulang ni John Lloyd at tila malapit din sa mga pinsan ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN