Superstar Nora Aunor claims receiving death threats after filing a case against cousin

Nagpunta sa Iriga City Municipal Trial Court nitong Miyerkules, January 21, ang Superstar na si Nora Aunor upang dumalo sa arraignment ng kanyang kasong isinampa laban sa kanyang sariling pinsan na diumano’y kumamkam sa kanyang sampung ektaryang lupain.


May banta raw sa buhay at seguridad ng Superstar na si Nora Aunor.

Ito ay bunsod ng kasong isinampa niya laban sa kanyang sariling pinsan na si Saturnino Aunor sa Municipal Trial Court ng Iriga City, Camarines Sur.

Nitong mga nakaraang araw, nakatanggap diumano ang Superstar ng text messages na naglalaman ng mga naturang banta.

Kahit man daw may pangamba ang aktres, wala na raw atrasan pa sa kanyang ipinaglalabang lupain na kinamkam daw ng kanyang pinsan.

Pahayag ni Nora sa ABS-CBN Iriga, na naiulat din sa ABS-CBN News online, "May mga threat ako na [natatanggap]. Nandito nga ang mga katibayan, hindi ko binubura.

"Isa iyon sa mga dapat ko ipaalam. Masama... masama yung ano [mga texts]. Kung makikita niyo, puwede niyong tingnan po.

“Siyempre naman po [natatakot ako] dahil hindi naman natin alam kung ano yung talagang nasa isip niya.

“Na ang sa akin naman… hindi naman ako natatakot kasi, 'andun yung ano lang dahil nga dito sa pananakot.

"Pero ang sa akin naman, kung tama naman yung ginagawa mo, bakit ka naman natatakot.

“Kung kukunin ka naman ng nasa Itaas, mangyayari naman talaga.”


“PINAGHIRAPAN KO KASI ‘TO, E.” Mga alas-diyes ng umaga ng Miyerkules, January 21, nagtungo si Nora sa Municipal Trial Court sa Iriga City para sa arraignment o pagbasa ng sakdal sa mga kasong perjury at false testimony na isinampa niya laban kay Saturnino.

Naghain naman ng "not guilty" plea ang kanyang pinsan.

Ayon pa sa ulat, nag-ugat ang away nina Nora at Saturnino nang diumano’y ibinenta ni Saturnino ang 10-ektaryang lupain na pag-aari ni Nora sa Iriga.

Saad pa ni Nora, "Ang sa akin, [ginagawa ko 'to] para ipagtanggol ang sarili ko. Pinaghirapan ko kasi 'to, e.

“Mula ito noong halos nag-uumpisa pa lang ako, nag-iipon kami ng mama ko.

"'Tapos sabi rin niya, para sa akin nga. Iyon ang pinagtatalunan dito ngayon, yung pinaghirapan ko noong araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible pa raw silang maghain ulit ng panibagong reklamo laban sa pinsan kaugnay naman sa mga pagbabanta nito sa text.

Nakabalik na ang Superstar sa Maynila ngunit babalik daw siya sa Bicol sa susunod na buwan para sa gagawin nitong pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN