Are Toni Gonzaga and Paul Soriano engaged?

Avid supporters of real-life couple Toni Gonzaga and Paul Soriano are wondering whether or not the two recently got engaged. Speculations arose following Sandy Andolong’s birthday greeting to Toni where the former called the TV host-actress a "loving fiancée."


Engaged na nga ba ang magkasintahang Toni Gonzaga at Paul Soriano?

Usap-usapan sa social media na tila nag-propose na kay Toni, 31, ang kanyang longtime boyfriend na si Paul, 33.



Base ito sa birthday greeting ng aktres na si Sandy Andolong kay Toni, kung saan tinawag ng una na "loving fiancé[e]" ang TV host-actress.

Ito ang Instagram post ni Sandy nung mismong kaarawan ni Toni noong January 20:

Bagamat walang direktang kumpirmasyon mula sa panig ni Toni, kapansin-pansing hindi nito itinanggi ang pagtawag sa kanyang “loving fiancé[e].”

Ito ang sagot ni Toni, base sa thread ng comments sa pinost na collage photo ni Sandy:

Bunsod nito, panay ang tanong ng followers ni Sandy kung bakit niya tinawag na "loving fiancée" si Toni at kung totoong engaged na ang huli kay Paul.

Maging sa Instagram accounts nila Toni at Paul ay panay rin ang tanong ng kani-kanilang followers kung engaged na nga ba sila.


THE FALSE ALARM PROPOSAL. Sa live episode ng The Buzz noong December 28, ibinahagi ni Toni na umasa siyang magpo-propose na sa kanya si Direk.

Kakagaling lang noon ni Toni sa isang Christmas dinner kasama ang pamilya ni Direk Paul.

Nagulat daw si Toni nang madatnan niya ang isang “Tiffany box” pagpasok niya ng bahay.

Lahad ng 31-year-old TV host-actress, "Ninerbiyos ako. Hindi ko sinabing ‘This is it!’ OA! [Ang sabi ko], ‘Ay, shucks, ano ba ‘to?’”

Nagkataong may guest appearance noon sa naturang talk show ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, na todo ang pambubuking sa nakatatandang kapatid.

“Ta’s pagtingin niya kay Paul, tumatawa daw si Paul. So, sabi niya [Toni], ay hindi. In-expect niya, nakaluhod!” natatawang kuwento ni Alex.

Ganunpaman, iginiit ni Alex na malakas ang pakiramdam niyang malapit nang ma-engage sina Toni at Paul.

Ito ay sa kadahilanang pormal na inamin nina Toni at Paul ang tungkol sa kanilang relasyon sa programang Boy and Kris, noong September 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN