Rafael Rosell not yet ready to settle down this 2015

Rafael Rosell on his efforts to have a stress-free lifestyle: "Ako kasi, sinusubukan kong mag-develop ng isang lifestyle na, that will put my mind at ease, na hindi ako stressful. At isa sa mga stressful sa industriyang ito, na tinatamaan ang bawat aktor at aktres o singer o dancer, is the pressure of competition. So, ako, ayaw kong makipag-compete, e."


Bagamat sunud-sunod ang weddings and engagements sa showbiz, wala pa raw balak sumunod sa kanila ang Kapuso actor na si Rafael Rosell at ang girlfriend niyang si Olivia Medina.

Paliwanag ni Rafael sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “May ipinapagawa pa akong bahay, e.

“Hindi pa nga tapos, e, ang bagal, dahil may pina-install ako na kailangan nilang…

“May mga ipinapagawa kasi akong ninja-ninja, mga bars na puwede kong akyatin yung sarili kong bahay.

“Gusto kong makatayo ako sa rooftop ko na walang…”

Walang hagdan ang bahay niya?

“Lalagyan naman!” at tumawa si Rafael.

“Pero ibang klaseng hagdanan, ‘di ba?

“’Tapos pinapaano ko pa yung location para yung efficiency ng araw, ma-maximize.

“Gusto kong magtanim ng sarili kong gulay at prutas.”

Ito raw ang dahilan kaya hindi pa siya magpapakasal ngayong 2015.

“No, I don’t think so.

“I’m planning to make a common house for the whole family, e.

“Na ‘pag nandito sila, dun sila mag-stay. ‘Pag may get-together, dun na lang kami.

“Pero it will be the main house para sa amin na may gulay, may prutas.”

Pagpapatuloy pa ng 32-year-old actor, “Have you heard of urban gardening?

“Sa city lang, ‘tapos may wall garden, may window garden, may rooftop garden, ‘tapos may [mismong] garden ka pa.

“If you do gardening sa rooftop, yung grass, ia-absorb nila lahat ng init.

“So, sa loob ng roof, sobrang lamig.

“So, pinapatibay ko yung bubong, pinapa-research ko yun, kaya medyo natatagalan.

“Dahil yung contractor ko, conventional house ang alam nila, e.

“I want my house to be sufficient talaga, e.”

Sa ngayon daw, ganoon na ang ginagawa ni Rafael sa tinitirhan niyang condo unit.

“You can do so much with that little space.

“Sa condo ko, may two-square meters na ako dun, nagtanim na ako ng sili, kamatis, alugbati, thyme, basil, at bell peppers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, when you think about it, growing your own food is like printing your own money, ‘di ba?”

SECOND CHANCES. Kasama si Rafel sa cast ng bagong primetime series ng GMA Network na Second Chances.

Kinumusta namin kay Rafael ang pakikipagtrabaho niya kay Jennylyn Mercado, na nagwaging Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2014 dahil sa pagganap niya sa English Only, Please.

Saad ng aktor, “It’s an honor, the Best Actress sa primetime, and I get to work with her.

“Para sa akin, I love it here [sa GMA].

“Ang ganda ng mga opportunity na ibinibigay sa akin ng GMA and the positioning, the responsibility, the trust na ibinibigay nila sa akin.

“I’m very happy!”

Wala naman daw siyang pagkailang kapag kaeksena si Jennylyn to think na award-winning actress na ito.

“No, wala naman.

“Again, competition, that whole scenery of competition, putting other people above and below just to stress yourself up, sinusubukan kong tanggalin ‘yan sa buhay ko, e.

“So, intimidation by other people, why?

“They’re still people, we’ll still be the same blood, right?”

Mas masaya ba si Rafael kapag sa primetime siya napapanood sa telebisyon kaysa sa hapon?

Tugon niya, “Do you want my full honesty?

“Ako kasi, sinusubukan kong mag-develop ng isang lifestyle na, that will put my mind at ease, na hindi ako stressful.

“At isa sa mga stressful sa industriyang ito, na tinatamaan ang bawat aktor at aktres o singer o dancer, is the pressure of competition.

“So, ako, ayaw kong makipag-compete, e.

“So whether primetime or noontime, para sa akin, basta makapagtrabaho ako at magawa ko yung gusto kong gawin sa buhay, which is I have a passion for acting and I love acting and I like portraying characters.

“So, basically, para sa akin, whether noontime or primetime, it doesn’t really matter para sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero alam ko naman, pagdating sa career, mas nakaka-boost ang primetime.

“So, if you’re asking me which career opportunities I would rather go for, it would be primetime siyempre.

“Pero para sa akin, the atmosphere dito sa GMA, para sa akin, primetime at noontime, nae-enjoy ko pareho, e.

“I love it!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN