Piolo Pascual hurt in a minor biking accident

Piolo Pascual is out of danger after getting involved in a minor biking accident. In July 2012, the Star Magic actor also got involved in a biking accident.


Nasangkot sa isang minor biking accident ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual habang nagsu-shooting para sa isang commercial ad ngayong araw, January 22.

Subalit hindi ito malala at ligtas na mula sa panganib ang aktor.

Sa episode ng Aquino and Abunda Tonight nitong Huwebes ng gabi, binasa ni Kris Aquino ang official statement ng Star Magic, na siyang namamahala sa career ni Piolo, upang bigyang-linaw ang ilang detalye tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ng aktor.

Nakasaad sa statement: “Piolo Pascual had a minor bike accident while shooting an ad for ABS-CBN Mobile earlier today, January 22.

“He has a few scratches and a small fracture in his finger. He already received proper medical attention for his injuries and has been cleared by the doctors to go home and rest.”

Sa St. Luke's Medical Center isinugod umano si Piolo.

Nag-post naman si Piolo sa Instagram ng larawan na kuha sa emergency room, kung saan siya binigyan ng paunang lunas.

Hindi ito ang unang pagkakataong naaksidente si Piolo gamit ang bisikleta.

Matatandaang nagtamo rin ng sugat ang Kapamilya actor habang sakay ng bike sa Baguio noong July 3, 2012.

Read: Piolo Pascual survives biking accident


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN