Edgar Allan Guzman leaves TV5 without regrets

Edgar Allan Guzman blames change of management for the downturn of his career at TV5, prompting him to move to the Kapamilya network.


Hindi raw naging maganda ang career ni Edgar Allan Guzman noong 2014, kaya inaasahan niyang makabawi ngayong 2015 sa paglipat niya sa ABS-CBN mula TV5.

Sabi niya, “When it comes to career, no, hindi siya talaga naging maganda.

"Nung December lang naging maganda kasi nalaman ko nga po na…

"Nag-decide din kami na lilipat na kami ng ABS.

"And nasama nga ako dito sa Oh My G! agad-agad and Hawak Kamay guesting.

"November-December, yun lang ang naging highlight nung 2014 ko.

“Pero the rest of the months, hindi po talaga."


TRANSFER. Si Noel Ferrer ang manager ni Edgar Allan at silang dalawa raw ang nagdesisyon sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Lahad ng aktor, “Ako, gusto ko din and in-open up niya.

“Aktor ako, gusto ko yung ginagawa ko.

"Mahal ko yung pag-arte and hindi ako nagdalawang-isip.

“Siyempre yung growth ko as an actor, inisip ko din po.”

August 31, 2014 nag-expire ang kontrata ni Edgar Allan sa TV5. Galit ba siya sa TV5?

“No,” ang mabilis na sagot niya.

“Thankful ako sa kanila. No hard feelings.

"I respect them, naging masaya din ako sa TV5 kasi inalagaan din naman nila ako."


MOVEMENT. Taong 2014 lang naman daw siya halos hindi nabigyan ng shows ng TV5.

Pero the previous years ay maayos naman daw ang naging takbo ng career niya sa Kapatid network.

Masasabi ba niyang napabayaan siya ng TV5 noong 2014?

“Yeah. And nagpalit din siyempre sila ng management, e.

"So, kami, hindi namin alam kung ano yung mga decisions nila.

“Pero yung 2011, 2012 and 2013, yung status ko sa TV5 was okay.

“Last year naging magulo lang... actually nag-start yun end of 2013.”

Ano ang pakiramdam na mula GMA-7 ay napunta siya sa TV5 at ngayon ay nasa ABS-CBN naman siya?

Saad ni Edgar Allan, “Lagi kong sinasabi sana ito na yung last kong network, dito na ako, ito na yun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig ba niyang sabihin, kahit ano ang mangyari ay hindi na siya lilipat?

“A, puwede naman pong mangyari.

“Sana nga po ito na talaga kasi tatlong networks na yung nalibot ko.

“Hindi ko naman isinasarado yung pinto ko.

"Sinasabi ko lang po, sana ito na nga po talaga kasi bago pa ako mag-TV5, may offer na yung ABS sa akin.”


NO REGRET. Bakit mas pinili niya noon ang TV5, mas malaki ang offer?

Sagot ni Edgar Allan, “Hindi naman, ang tingin ko din, mabibigyan din ako...

"Mabi-build-up din ako as a leading man, ganyan-ganyan.

“Nabigay din naman sa akin [ng TV5].

“Pero iyon nga, at the end of 2013, medyo nagpalit sila ng management.”

Pinagsisihan ba niya na noong offer-an siya ng ABS-CBN dati ay hindi niya tinanggap?

Tugon niya, “A, wala, no regrets naman ako.

"Kasi ginusto ko rin naman, gusto ko rin naman talaga yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN