PEP EXCLUSIVE. Dingdong Dantes on Marian Rivera: "From the very start, I knew that she will be the best wife for me.”

Two of the many honeymoon photos of the newlyweds, Dingdong Dantes and Marian Rivera, in Vatican City. (Left) Taken "right beneath the Pope’s balcony" in St. Peter’s Basilica; (Right) their jump shot with what was described as "the greatest of all churches of Christen


Ginanap ang kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2014, sa Cathedral of Immaculate Conception, sa Cubao, Quezon City.

Ang reception naman ay ginanap sa MOA Arena.

Dalawampu’t limang araw mula nang ikasal sila, nauna munang puntahan at balikan nina Dingdong at Marian ang isla ng Boracay, kung saan nakasama nila ang ama ni Marian na si Francisco Javier Gracia.

Ilang araw pagkabalik mula sa Boracay ay dumiretso na sila sa talagang honeymoon destinations nila at namasyal sa Rome, Italy, at Spain.

Ngayon ay nakabalik na ang bagong kasal at eksklusibo silang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Victorino’s Restaurant, Quezon City, kagabi, January 23.

Una muna naming nakausap si Dingdong.

Paliwanag niya tungkol sa Boracay trip nila, “Well, ang talagang objective namin, maigala ang daddy niya dahil hindi pa siya nakakarating ng Boracay.

"At masaya kami dahil na-appreciate niya ang ganda ng Boracay talaga at yun din ang way na parang unang destination namin.”

Kumusta sila ng papa ni Marian? Ano ang mga narinig niyang komento nito sa kanya bilang father-in-law? Nagkaroon ba sila ng tipong man-to-man talk?

Ayon sa aktor, “Nangyari na yun dati pa, noong una akong nagpaalam sa kanya.

“Ngayon talaga, it’s really more of enjoyment na lang. We really had fun.”


"BLESSED BY THE POPE." Base sa Instagram posts nila ni Marian habang nasa Roma sila, may pink na papel na kuha mismo sa St. Peter's Basilica sa Vatican City.

Ang caption dito ng Kapuso Primetime King: "Our most precious ticket to date is this pink one, for we were blessed by the Pope himself during the regular 'mass audience' with His Holiness. #DongYanHoneymoon"


Kuha taw ito ilang araw bago dumating si Pope Francis sa Pilipinas.

Ayon kay Dingdong, “Yun kasi, hindi talaga kasama sa itinerary namin.

"Pero, every Wednesday, meron kasing audience with the Pope kung tawagin sa square, sa St. Peter’s Basilica, sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sana kasama sa itinerary namin yun, but it so happened that we went there on a Wednesday.

"At dahil sa araw na yun, malamig ang panahon, ginagawa talaga nila sa loob, hindi sa labas.

“And, may na-meet kami na isang Pinoy doon na nagtatrabaho dun, within the Vatican, at nakausap namin.

"Sobrang nabiyayaan kami ng tickets at hindi siya ganoon yata kadaling makuha. Kaya sobrang grateful kami na nakapasok kami.

“Kahit nandoon man kami sa loob, amidst the thousand of people from all around the world, nandoon kami sa loob, kahit napakalayo ni Pope, siyempre, feel na feel namin ang spirit. Yung spirit ni Lord.”

Nauna na nga sila ni Marian na makasama at ma-bless ng Santo Papa bago ang pagbisita nito sa Pilipinas.

Pero ayon kay Dingdong, “Hindi naman, I’m sure noong panahon na yun, nagpi-prepare na rin ang Pilipinas.

"Siyempre, nanghihinayang din kami na makakarating siya sa bansa na wala kami.

"Sobrang answered prayer na nakita namin siya kahit papaano at ang maganda dun, nakasama pa kami sa blessing, sa final blessing.

“Hindi ba, sa misa, may final blessing? Nakasama kami sa blessing.”


"MEET THE IN-LAWS." Halos hati raw ang oras nila nung nasa Italy at Spain, kung saan nandoon ang pamilya at mga kaanak ni Marian.

Nakasama at nakilala niya ba ang halos lahat ng kamag-anak ni Marian doon? Balita rin na nagkaroon sila ng “wedding reception” sa Spain.

“Hindi naman reception,” pagtatama ni Dingdong.

“Marami kaming na-meet na hindi ko na-meet before. Marami pang kasama sa family na hindi namin na-meet before.

"Nakakatuwa, kasi siyempre, makikita mo na talaga ang mga—kumbaga, meet the in-laws, ‘ika nga.”

Masaya ba ang 'meet-the-in-laws' moment niya?

Saad niya, “Masaya.

“Siyempre, may communication barrier, pero thank you to technology na ginagawang mas madali ang magkaibang wika na pag-uusap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bitin nga raw ang honeymoon nila.

“Well, in a way, oo.

"Pero kapag humaba rin naman, parang sinasabing kinakalimutan mo naman yung mga responsibilidad mo.

"Para sa akin, kailangan balanse talaga.

“Para sa akin, yung trip is just enough para masabi mong bitin, at tama lang din para masabi mong kailangan mo nang bumalik.”


CHANGES? Bilang mag-asawa, anu-ano ang mga nakikita niyang kaibahan sa dati na mag-boyfriend-girlfriend pa lamang sila?

Sagot ni Dingdong, “Well, sa ngayon, hindi pa talaga masasabi na 100 percent na may full circle na pagbabago.

“I think, yung pagiging mag-asawa naman is a life-long learning sa pang-araw-araw na pagdaan ng buhay.

"Yun yung kuwento na bubuuin ninyo.

"Kung ano yung kuwentong gusto niyong ayusin, baguhin, hindi naman ito yung parang may templates na ito ang gawin mo.

“Hindi naman yung tipong kapag hindi ka sumunod, baka bumagsak.

"Sa tingin ko, parang buhay lang din siya that you will go with the flow.

"But this time, with holy and blessed parameter.”


BABY? Pagkatapos ng kasal, pagkatapos ng honeymoon, parang ang lahat, iisa ang pinaka inaabangan sa kanilang dalawa ngayon ni Marian.

Buntis na kaya ang Kapuso Primetime Queen? Posible kayang ilang buwan mula ngayon, may makikita nang “little Dingdong” o “little Marian”?

Ayon kay Dingdong, “Alam niyo, pagdating sa bagay na ‘yan, hindi ko sasabihin na sasagot kami na gusto namin ngayon na o sa susunod.

"I mean, sino ba naman kami para panghawakan sa aming mga kamay ang ganyang bagay?

“So, para sa amin, talagang iniiwan naming lahat yun sa kamay ng Panginoon kung kailan niya gustong ibigay sa amin.”

Excited na ba siya na magkaroon sila ng baby?

Sabi ni Dingdong, “Kung sa nae-excite, of course, naman.

“Lahat naman ‘yan... well, kaming dalawa, mahilig kami sa bata.

"Pero siyempre, lahat, e, may tamang panahon para sa nalalapit na mga biyaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marian, kumusta siya bilang misis?

“Well, again, sa totoo lang, wala pa kaming isang buwang kasal.

"So, again, everything is normal.

"We will write the story as we go along and that includes also changes, yung kanya-kanyang pananaw, pagkatao.

“It will happen along the way.”

Pero nakikita at nararamdaman na ba niya kung paano si Marian bilang isang misis?

“Ako, from the very start, I knew that she will be the best wife for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN