PEP EXCLUSIVE. Dingdong Dantes now back from honeymoon; shrugs off comments from wedding bashers

Dingdong Dantes admits his recent wedding to wife Marian Rivera, despite its pomp and grandeur, was far from perfect: “Marami akong gustong bagay na mangyari o gusto naming mangyari na hindi nangyari na mahalaga rin. But, ang mas mahalaga naman dun talaga, it’s really the ceremony, it’s really the blessing and most importantly, it’s the sacrament.”


Ilang araw mula nang dumating sila pagkatapos ng halos dalawang linggong honeymoon sa Rome at Spain sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa Victorino’s Restaurant, Quezon City, kagabi, January 23.

Tila masaya at kuntento ni Dingdong nang makaharap at makausap namin.


MORE INSPIRED. Kumusta na ba siya pagkatapos ng kasal at ng honeymoon nila?

Tugon niya, “Sa totoo lang, parang ang bilis ng panahon na dumaan lang siya nang ganoong kabilis.

“Ngayon, itong linggong ito, mula noong dumating ako early this week, unti-unting nagdu-dawn sa akin, unti-unti kong nari-realize yung totoong nangyari.

“Kung ano talaga yung bagong hinaharap.”

Ayon pa sa aktor, “Kasi, unti-unti rin ako lalong nai-inspire.

“Kasi, ang dami kong nakalatag na dapat gawin itong 2015 onwards.

“Na parang... usually, normally, kapag galing ako ng isang bakasyon, pagbalik ko, siyempre minsan nahihirapan kang mag-start. May tamad nang konti.

“Pero for some reason, kinabukasan, paggising ko, wala akong kahirap-hirap na gumising para mag-umpisa at magtrabaho dahil alam kong meron akong bagong dahilan to work for.”

Dahil ba ngayon ay may asawa na siya?

“I don’t know, maybe because first time naming nagbakasyon nang ganung katagal or honeymoon ang tawag dun.

“Hindi ko alam, pero for some reason, siguro dun na rin nag-fit in yung blessing na ibinigay sa amin,” aniya.


NOT A “PERFECT WEDDING.” Balikan natin yung wedding day... ilang araw bago ang kasal, kumusta siya noon?

Nakangiting sabi ni Dingdong, “Ako, sobrang excited, ang sarap.

“Masarap! Talagang yung buong proseso—mas matagal yung stage ng paghahanda as compared sa naramdaman mong effect ng actual na pangyayari dahil siyempre, you’re preparing for it, the whole process was really fun.”

Masasabi ba niya na, pagkatapos ng lahat, “that was my perfect wedding”?

Natupad at nangyari ba yung gusto niya talagang mangyari sa pinaka-espesyal na araw ng kasal nila ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, “Aaminin ko, hindi.

“Marami akong gustong bagay na mangyari o gusto naming mangyari na hindi nangyari na mahalaga rin.

“But, ang mas mahalaga naman dun talaga, consider everything that has been done, it’s really the ceremony, it’s really the blessing and, most importantly, it’s the sacrament.

“So, everything and anything na lumampas doon o lumabas doon is secondary.

“Meaning, lahat ng selebrasyon, lahat ng kung anuman, ang pinakamahalaga, yung sakramento, yung blessing.”

Yung mismong seremonya at pagbibigay ng blessing sa kanila ni Marian bilang mag-asawa ang binabalik-balikan niya sa araw na yun, hindi yung “kagandahan” ng kabuuan ng kasal?

“Yeah, the beauty is the result of being at your best kapag haharap ka sa Panginoon.

"Kapag siyempre may isang mahalagang bagay para sa ‘yo, e, paghahandaan mo.

“Kapag siyempre may isang mahalagang bagay sa ‘yo, ibibigay mo ang karapat-dapat para doon.

“Kapag ang mga bagay na ito ay pinag-uusapan na ng magiging asawa mo, pananampalataya, e, talagang ibibigay mo ang karapat-dapat,” saad niya.

WEDDING SHOULDN'T BE “ANY BASIS TO ANYONE.” Sabi namin kay Dingdong, parang nag-set siya ng “parameters” na mahirap mapantayan ng iba na gusto ng isang napakagandang kasal.

Sabi ni Dingdong, “Hindi naman.

“Alam mo, kanya-kanyang personality ‘yan, kanya-kanyang kagustuhan kung ano ang interpretasyon nila on how they celebrate the sacrament.

“To each his own, and para sa akin, you know, it shouldn’t be of any basis to anyone.

“Para sa akin, ito ang para sa amin at yun 'yon.”

Maraming babae ang nakadama ng “inggit” kay Marian bilang isang bride. At marami ring babae ang naahangad ng isang “Dingdong” din para sa kanila.

Natawa ito at tanggi pa rin niya, “Hindi…well, again, kanya-kanya rin yun.

"Kumbaga, hindi rin naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa aking pagmamahal sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, kung meron tayong mage-gain o makukuha sa pag-attend sa mga wedding, ako, palagi akong nag-a-attend ng mga weddings ng mga kaibigan ko. Yung iba, mga celebrities na nakikita ko sa TV.

“If there’s one thing that I will always gain from it, the inspiration that something as beautiful as getting married, e, nangyari sa dalawang ito.

“Isang bagay, isang commitment na hindi naman araw-araw na nagagawa natin. Hindi palaging nakikita natin sa mga couples.

"So the fact that it happened, it’s really very inspiring.

“Kapag pinag-usapan na yung pag-ibig, lalo na yung pag-ibig na may pangako nang walang katapusan, e, yun ang kakaiba.”


DEALING WITH WEDDING BASHERS. Sa isang banda, kahit gaano kaganda at kabongga ang “effort” niya para kay Marian sa araw ng kasal nila, hindi pa rin nawala ang ilang mga negatibong komento mula sa netizens.

Kabilang na rito ang kesyo masyadong magarbo raw ang kasal nila. May mga tumuligsa sa napakalaki raw niyang nagastos.

Pero marami rin naman ang hindi sumang-ayon at nagsabing pinaghirapan at galing sa sarili niyang bulsa ang mga ginastos sa kasal nila.

Naapektuhan ba siya ng mga ganung komentaryo o pangba-bash?

“Hindi, e,” nakangiting sabi ni Dingdong.

“Again, I’ll just put it this way, we have 100 million Filipinos at this point and that means, probably, 100 million opinions as well.

“But the most important opinion of them all is my wife's opinion under the eyes of God.

“And that’s all that matters.”

Ano ang naging opinyon ng misis niya tungkol dito?

“Ang opinyon niya is that... you have to ask her.

"Pero para sa akin, ang mahalaga is the sacrament.

“Bukod sa opinion, ang mahalaga sa akin is the blessing and sacrament that [was] bestowed upon us.

“Ang isang sakramento, na pito lang ‘yan sa buhay ng isang tao, at masaya ako na nagawa ko at nagawa ko nang tama na walang inaapakang ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN