Derek Ramsay mum on identity of mystery date; confirms English Only Please sequel

Derek Ramsay refuses to spill more details about his frequent date: “Huwag muna. Ayusin ko muna ito. You know, there’s no label, there’s nothing yet. We’re dating and that’s it.”


Sunud-sunod ang mga blessings na natatanggap ng Kapatid actor na si Derek Ramsay sa personal na buhay maging sa kanyang career mula pa noong huling quarter ng 2014.

Una na nga riyan ang pagkakaayos nila ni Mary Christine Jolly, pati na rin ng anak nilang si Austin.

Sinundan pa ito ng tagumpay ng Metro Manila Film Festival movie nila ni Jennylyn Mercado, ang English Only Please, kunsaan nanalo si Derek ng una niyang Best Actor award.

Nagtuluy-tuloy pa ang pagdating ng blessings sa pagpasok ng 2015, pero may isa pang kulang.

“Yeah, you know even during the height ng pinagdaanan ko [court battle with Jolly], nabigyan ako ng bagong endorsement, yung Tanduay ko. Nagkaroon din ng renewal ng mga contracts ko.

“And then when our movie English Only Please came out, sobrang successful, another blessing.

"And then now, even more blessings kasi after the success of the movie, may mga different types of offers.

“'Tapos, I’m doing my first sitcom sa TV5, yung Mac & Chiz. So, yung blessing na lang ng lovelife ang hinihintay ko,” sabay tawa ni Derek nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng bagong program offerings ng TV5 sa Sampaguita Gardens noong January 13.

Naibalita na rito sa PEP ang tungkol sa pakikipag-date niya sa isang non-showbiz girl. Posible kayang ito na ang inaantay niyang lovelife?

“Working on that. I’m dating and I hope I’ll find Miss Right and we’ll see what happens in the next three years. But ayokong i-jinx,” lahad niya.

THE GIRL’S IDENTITY? Puwede na bang malaman ang katauhan ng kanyang dine-date ngayon na balitang kasama niya noong New Year Countdown ng TV5 sa Quezon City Memorial Circle?

“Huwag muna. Ayusin ko muna ito. You know, there’s no label, there’s nothing yet. We’re dating and that’s it,” matipid niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na katagal ang dating stage na ito?

“Bago pa lang. Kailan ba ako nagkaroon ng oras talagang mag-all-out dating? Kita mo nga, nagtatrabaho [sa New Year Countdown], doon na lang kami nag-date,” natatawa niyang pahayag.

What exactly is their status?

“We’re getting to know each other. Wala pang… I don’t wanna say there’s no depth to it but I can’t say what’s happening.

“It’s just I’m interested but like I said, I don’t want to jinx it.

"I don’t want to put any labels to anything,” muli niyang paglinaw.

Ipu-post niya ba sa kanyang Twitter at Instagram account kung sakaling maging sila na ng girl?

“Alam niyo naman ako, 'di ba? 'Pag nandun na, yeah.

“But for now there’s so many things coming my way and I have to prioritize that now. Everything naman falls into place at the right time,” pagklaro pa niya.

Biniro ng PEP si Derek kung gagamitin niya pa ba ang salitang “forever” sa pagpu-post niya ng picture nila ni non-showbiz girl?

Matatandaan kasing ginamit niyang caption ang “forever” noong i-post niya ang picture nila ni ex-girlfriend na si Cristine Reyes. Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Natatawang sagot ni Derek, “We’ll use another word but means the same thing.”

VENTURING INTO COMEDY. Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Derek ngayon ay ang pinagbibidahan niyang TV5 weekly sitcom, ang Mac & Chiz, na magsisimula nang umere simula ngayong Linggo, Enero 25.

Kasama rin nila sa sitcom sina Empoy Marquez, Bianca King, John “Sweet” Lapus, Jojo Alejar, at Jun Sabayton.

“'Eto comedy naman. Talagang I’m really venturing and trying new things.

“Gusto kong ma-test yung sarili ko with my versatility as an actor, so kahit na nakakatakot, I don’t know anything about comedy, susubukan ko.”

So far, sa mga nai-taping na nilang episodes, paano niya ia-assess ang sarili niya sa comedy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not an expert comedian or a talented comedian like Empoy and John, pero sinasabayan ko sila with what I know.

“I bring life to my character pero hindi ako ima-magnify as in what they do with their characters, so I just have to be very attentive.

“Hindi ako puwedeng mag-dull moment na hindi nakikinig kasi lulubog ako e at lulubog yung eksena.

“Yung comedy talaga nanggagaling kay Empoy at kay John, I’m just playing my part, so I’m just a little piece of the puzzle.”

Inamin ni Derek na dito sa Mac & Chiz, first time na hindi siya makatingin sa kaeksenang si Empoy. Bakit?

“Matatawa na talaga ako, e. Tanong mo rin si Sweet [John], hindi niya rin tinitignan si Empoy.

“You know, he’s just naturally funny. I’m not saying funny-looking ha?

“He just exudes comedy, he’s so funny.

“Napaka-witty niya, ang bilis niyang mag-isip, and I don’t think you can find anyone who can not laugh when you sit down with Empoy. He’s just naturally a funny guy.”

MORE MOVIES. Masaya ring ibinalita ni Derek na marami siyang pelikulang gagawin sa taong ito.

Naisulat na rito sa PEP ang tungkol sa pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino sa ilalim ng Star Cinema.

Ito ang pagbabalik ni Derek sa paggawa ng movie sa Star Cinema.

Bukod dito excited ding ibinahagi ng aktor ang iba pang pelikulang gagawin niya.

“I think I’m gonna do a sequel to English Only Please. Then Viva Films wants to do a film with Jen and I.

“So I might do two films with Jennylyn this year. And then the Kris movie. And I have the Marine movie, marami kami doon, it’s an indie film about the Philippine Marines.

“And then there’s an offer with Skylight Films, yung kay Direk Toto Natividad. Ang leading lady ko doon yata si Shaina [Magdayao].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I get to work with somebody new again, that’s exciting. Parang suspense thriller yata yun.”

Posible kayang this year ipalabas ang sequel ng English Only Please at isali ulit sa MMFF?

“They just said there’s definitely gonna be a sequel pero I don’t know if it is going to be shown this year o isasali ulit sa MMFF,” pagkumpirma niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN