Isabelle de Leon describes first on-screen (and real-life) kiss with Carl Guevara: “Akala ko may fireworks.”

Isabelle de Leon on her kissing scene with Wattpad Presents co-star Carl Guevara: “Nung pangalawang kiss na, sa una lang pala nakaka-kaba. Pero nung naglapat na ang mga labi namin, wala na pala yun masyado. ’Ay, ’eto na pala yun. Akala ko may fireworks.’”


Kinabahan si Isabelle de Leon sa kauna-unahang screen kiss niya kasama si Carl Guevara. Ipapalabas ito ngayong Lunes sa episode na pinamagatang “Mistakenly Meant for You” sa Wattpad Presents sa TV5.

Si Carl ang unang nagkuwento sa pagka-ilang ni Isabelle sa kanilang eksena sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview na inayos ng TV5 noong January 24, sa Hap Chan, Pasig City.

Ayon kay Carl, nakadagdag sa kaba ni Isabelle ang mga tao sa paligid at sa pagbisita ng ama ng dalaga.

Hindi ito ang kauna-unahang paglabas ni Isabelle sa Wattpad Presents. Lumabas na siya sa isang episode kasama si Edgar Allan Guzman na ngayo’y nasa ABS-CBN na.



KISSING SCENE. Kuwento naman ni Isabelle sa kanilang kissing scene ni Carl, “Hindi naman ito first time na nakatrabaho ko si Carl, nagsama na rin kami sa Trenderas.

"Pero [ngayon], ang daming nanonood! Nandun si Daddy, at saka first time ko sa kissing scene.

“Nahiya po si Carl kay Daddy. Kaya para mapabilis yung trabaho at hindi na paulit-ulit yung take, pinalayo muna si Daddy. Very supportive naman ang Daddy ko.”

Kung wala si Daddy at walang masyadong nanonood, kakabahan pa rin ba siya sa kanyang first screen kiss?

“Siguro po. Hindi ko pa na-experience kasi,” tugon ng dalaga. Hindi pa raw siya nagkaroon ng boyfriend kahit kailan.

Kailan siya naging kampante sa kissing scene?

Saad niya, “Nung sa Trenderas, merong ganyan, pero daya.

“Now, naisip ko naman na nasa hustong edad na ako at gusto ko rin po na hindi malimitahan yung mga roles na kailangang gawin. It’s part of the job.

“So sabi ko, sige po, ready na po ako. Hahahaha!”

NO FIREWORKS.” Nagkaroon ba ng malisya dun sa halikan nila ni Carl?

“Ang guwapo naman ni Carl, 'di ba? Yung honest po talaga, noong una, kinakabahan ako kay Carl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magki-kiss, tapos ang dami pang nanonood.

“Noong una, sa baba ako nag-kiss. Sabi ni Carl, 'Direk, Direk, hawakan ko na lang yung baba ni Sabel? Hindi ko mahuli, e.'

“So medyo napahiya ako.

“So nung pangalawang kiss na, sa una lang pala nakaka-kaba. Pero nung naglapat na ang mga labi namin, wala na pala yun masyado.

“'Ay, 'eto na pala yun. Akala ko may fireworks.'

“Pumikit po ako,” dagdag pa niyang kuwento.

Wala naman siyang reklamo sa kinalabasan ng kissing scene nila. Payag ba siyang magkaroon ulit ng kissing scene?

“Depende po kasi kung crucial ba siya sa script. Kasi yung kiss na yun, crucial siya sa kuwento, doon umikot yung conflict. Nahuli kasi nung dad na may ka-kiss ako. So, mahalaga siya sa story,” paliwanag pa niya.



NO BOYFRIEND. Dalawampung taong gulang na si Isabelle kaya tinanong namin kung bakit hindi pa siya kailanman nagkaroon ng boyfriend.

Tugon niya, “Ah, marami po akong crush at may mga nanliligaw din po. Siguro po, gusto ko lang din sana ma-maximize yung opportunity, yung career. Kasi hindi naman po lagi nand'yan, e.

“Lumilipas yung opportunities, 'di po ba?

“Alam ko naman po na yung pag-ibig nand'yan lang naman siya. Puwede kong balikan anytime.”

Hindi kaya dahil mahigpit ang ama niya?

Tanggi niya, “Hindi naman, very supportive nga siya 'pag may crush ako.

“Sobrang open siya 'pag may nanliligaw sa akin. Siya ang una kong sinasabihan pag may crush ako.

“Sasabihin niya, 'O, may number ka na ba n'yan? May communication na ba kayo?' Yung mga gano'n.”



CHRISTIAN VIRTUES. Ang gusto ba niyang maging boyfriend ay kagaya rin niyang born-again Christian?

Ayon kay Isabelle, “Mas masaya din yun kasi at least wala yong conflicts in the near future. So, kung Christian din yung guy, okey din.”

Bilang isang born-again Christian, hindi kaya magkaroon ng maraming restrictions pagdating sa mga scenes at roles na i-o-offer kay Isabelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. At the moment, parang wala pa namang naging conflict yung mga roles na dumarating sa akin with my faith.

“Mapalad din ako na yung mga roles na naibibigay sa akin, challenging rin talaga, at bukod sa wholesome, may nobility with character,” diin niya.



RESPONSIBILITY TO YOUTH. Pananatiliin ba niya ang kanyang wholesome image para sa kanyang religious beliefs?

Aniya, “Well, una sa lahat, ayaw ko namang mag-ala Miley Cyrus.

“Kahit hindi mo faith yun, mahirap rin kasi you're responsible rin ... dulot ng pagiging celebrity [you have to be] a good example sa youth.

Payag ba siya gumawa ng bed scene?

“Well, may mga love scenes na artistically done, hindi naman po kailangang very graphic, e.

“So, hindi porke... halimbawa yung mga sculptures nakahubad sila, pero may nobility doon. Gaya sa UP Oblation.

“So, nasa direktor naman po yun and if it’s tastefully done,” pakli niya.



NO COMPROMISES. Gusto ba niyang sumikat pero may mga limitasyon siya sa mga puwede niyang gawin sa telebisyon at pelikula?

Paliwanag ni Isabelle, “When it comes to artistry, 100 percent po ako pagdating sa pag-arte, kung ano pong eksena 'yan.

“Pero may mga bagay na... halimbawa, ginawa mo na yun, then nakamit mo nga yung stardom and then you feel empty inside, sayang din naman.

“'Di ba, ang point lang naman in life is to be happy. Yung iba, they want stardom to be happy. Kung na-reach ko yun 'tapos hindi naman ako masaya, sayang lang naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN