Jasmine Curtis-Smith douses network transfer rumors: “I am still a Kapatid and I have no complaints..."

Jasmine Curtis-Smith on what fueled rumors about her transfer to another network: “Grabe naman po. Hindi lang ako nakasagot agad, nakaisip na sila ng kung anu-ano.”


Walang katotohanan ang mga espekulasyon na lilipat na ng ibang TV network ang nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith.

Sa ginanap na media launch ng TV5 noong January 13 sa Sampaguita Gardens, para sa kanilang mga bagong shows para sa first quarter of 2015, may dalawang projects kunsaan kasama si Jasmine.

Una na rito ang dance competition program na Move It: Clash of Street Dancers kunsaan kasama niya bilang co-host si DJ Tom Taus. Magsisimula na ito sa January 25.

Ang pangalawang show naman ay ang Wattpad Presents: A House Full Of Hunks kunsaan kasama ni Jasmine ang mga hunky actors na sina Vin Abrenica, Albie Casiño, Charlie Sutcliffe, at ang Bench Body model na si John Spainhour. Sa unang linggo ng Pebrero ipapalabas ito.

Natawa na lang si Jasmine sa kumalat na balitang lilipat na siya sa ibang TV network.

STILL WITH TV5. Dahil mga ilang buwan siyang nawala at hindi niya sinasagot ang tsismis tungkol sa paglipat sa ibang network, nagbigay na ng pahayag ito sa naturang press launch.

“Grabe naman po. Hindi lang ako nakasagot agad, nakaisip na sila ng kung anu-ano.

“I flew back to Australia for the Christmas holidays. Kumpleto kami kasi umuwi rin si Ate Anne.

“Nagkaroon kami ng reunion with our other relatives. Kaya ang saya-saya ng moment.

“Ayokong masira iyon kaya hindi po ako sumasagot sa mga questions sa akin over social media.

“Pinabayaan ko na ang management office namin ang sumagot diyan.

“But it turned out na binitin din nila ang sagot, not until ma-confirm ang mga magiging shows ko with TV5.

“I am still a Kapatid and I have no complaints with the projects they have been giving me.

“Tulad po ngayon, dalawang shows ang gagawin ko. So it means that I am still with TV5,” ngiti pa ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW THE RUMOR STARTED. Nagsimula ang tsismis na lilipat siya sa ABS-CBN dahil may ginawa siyang movie with Star Cinema, kunsaan bida sina Gerald Anderson at Julia Montes.

“Yes, I have a special role sa movie na Halik Sa Hangin.

“Pinaalam naman namin iyon with TV5 at pumayag naman sila. It’s just a small role naman.

“Yun lang naman iyon. Wala naman akong gagawin na show with ABS-CBN because they know that I am still with TV5,” paglinaw niya.

OPEN TO WORKING WITH ANYONE. Makatrabaho kaya muli ni Jasmine si Daniel Padilla kahit na nagkaroon ng kontrobersya noong nakaraang taon?

Ayon kay Jasmine, “I'm a person who's willing to work with anyone in the business.

“Wala po ako sa status na puwedeng mamili ng makakatrabaho ko. For me, lahat po ng makakasama ko sa tingin ko ay may natututunan ako.

“Controversies come and go in this business. We can't let it affect our workmanship kasi unprofessional na po iyon.

“Kung matatag ang ating pananampalataya sa Diyos, kakayanin naman nating pagdaanan ang mga ganun na bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN