Eula Caballero not jealous when TV5 showers attention on Jasmine Curtis-Smith: “Hindi po totoo ‘yon.”

Eula Caballero not bothered by rumors that Jasmine Curtis-Smith is allegedly TV5’s favored artist: “Hindi po totoo ‘yon. Never naman po ako nainggit or nagselos sa kahit na sinong artistang kunin ng TV5. Lalo na po kay Jasmine na kaibigan ko. Ilang beses na kaming nagkatrabaho at napakabait niyang tao.”


Matagal ding hindi nakapagbida ang TV5 Princess na si Eula Caballero sa isang teleserye. Pero naging suki naman siya ng top-rating mini-series ng Kapatid Network na Wattpad Presents.

Nakatatlong beses nang nag-bida si Eula sa Wattpad Presents. Una ay ang “Almost A Cinderella” episode with Carl Guevara, at ang pangalawa ay ang “Just For A While” episode kasama si Martin Escudero.

Nitong nakaraang linggo ay nakasama naman niya si Bret Jackson sa “Trip In Love Or Fall In Love.”

Masaya si Eula nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sampaguita Garden noong January 13 sa press launch ng TV5 ng mga bagong shows nila.

Ayon kay Eula, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya kahit na matagal na siyang hindi gumagawa ng teleserye para sa Singko.

TELESERYE DAYS. Inamin ni Eula na na-miss niyang umarte sa isang teleserye tulad ng mga ginawa niya sa TV5 noon katulad ng The Sisters, Nandito Ako, Sa Ngalan ng Ina, Enchanted Garden, Never Say Goodbye, Kidlat at ang mga pinagbidahan niyang Cassandra: The Warrior Angel at ang suspense-thriller series na Third Eye.

Lahad ni Eula, “Siyempre naman po, miss ko ang gumawa ng mga ganyan.

“Yung last regular show ko kasi was a sitcom, yung One Of the Boys, kunsaan kasama ko si Tito Joey de Leon at ang Juan Direction hunks.

“Okey din naman po na kahit walang teleserye, naging suki naman ako sa Wattpad Presents.

“At least paiba-iba ako ng characters, unlike sa teleserye na iisa lang ang character mo.

“Pero wish ko pa rin po na magkaroon ulit ng teleserye ang TV5.

“Ngayon po kasi, mas gusto nila ng mabilisang shows lang. Mas praktikal nga naman kung ganito at iba-ibang stories pa ang na-e-enjoy nilang panoorin.

“Kahit for one week lang, maganda naman ang ratings ng Wattpad Presents kasi marami siyang mga fans online at talagang binabasa nila ang mga paperback edition ng mga stories ng Wattpad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT JEALOUS OF JASMINE. Pinabulaanan din ni Eula ang balitang nagseselos siya sa atensyon na binibigay ng TV5 kay Jasmine Curtis-Smith.

Tila ito raw ang paborito ng Singko at mas binibigyan ito ng maraming shows kesa sa mga naunang contract stars ng TV5.

“Hindi po totoo ‘yon.

“Never naman po ako nainggit or nagselos sa kahit na sinong artistang kunin ng TV5.

“Lalo na po kay Jasmine na kaibigan ko. Ilang beses na kaming nagkatrabaho at napakabait niyang tao.

“'Tsaka in fairness naman po, sa TV5, hindi naman kami pinapabayaan. May mga plano sila sa aming lahat kaya wala kaming dapat na ikabahala,” pagklaro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN