Stella Marquez-Araneta on why Binibining Pilipinas bets to international pageants do not wear gowns by Pinoy designers

Binibining Pilipinas Charities Inc. chair Stella Marquez-Araneta explains why Colombian designer Alfredo Barraza has designed the Philippine national costume gowns in the past years: "If I didn’t do it for several years, it’s because the designs that were given to us were not good enough for our candidates. That’s the reason I went abroad.” Ms. Marquez-Araneta is reportedly open to using Filipino designs in future international pageants.


Ipinagtanggol ni Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) founding director Stella Marquez-Araneta ang sarili mula sa pambabatikos ng ibang Filipino fans ng Miss Universe beauty pageant dahil sa mga komento na diumano'y mukhang “birthday cake” ang national costume ni Mary Jean Lastimosa, ang pambato ng bansa sa gaganaping Miss Universe pageant sa January 25 sa Florida, U.S.A.

Sinabi umano ni Ms. Marquez-Araneta na hindi authenticity ang labanan pagdating sa national costume ng mga kandidata sa Miss Universe, kundi artistic interpretation. Ito ay ayon sa ulat ni Ginger Conejero sa TV Patrol Weekend nitong Sabado, January 24.

Si Alfredo Barraza, isang Colombian designer, ang nagdisenyo ng national costume ni Mary Jean.

Si Barraza, na kababayan ni Ms. Marquez-Araneta, ang nagdisenyo rin ng mga gowns ng Miss Universe Philippines candidates nitong mga nakalipas na taon.

May mga beauty pageant enthusiasts na nagsasabing “recycled” daw ang mga disenyo ni Barraza mula sa mga nauna nitong designs.

Paliwanag ni Ms. Marquez-Araneta sa pamamagitan ng panayam sa TV Patrol: “It's an inspiration that the designer gets to make it look a little bit, but not necessarily the [original] ones that we wear there [in the pageant]."

Binanggit pa ng BPCI chair na noong unang beses niyang kunin ang serbisyo ni Barraza, nanalo ang Pilipinas sa national costume portion ng Miss Universe pageant.

“The first time I tried to have something made abroad for the Filipina was Miriam Qiambao and it won best national dress and it was done by this fellow [Barraza]," aniya.

Si Miriam ang kandidata ng Pilipinas noong 1999 Miss Universe pageant kung saan naging first runner-up siya.

Bukas naman daw si Ms. Marquez-Araneta na gamitin ang mga gowns ng Filipino designers.

Ibinahagi rin ni Ms. Marquez-Araneta ang dahilan kung bakit hindi niya pinili ang mga gowns ng Filipino designers.

"If I didn't do it for several years, it's because the designs that were given to us were not good enough for our candidates. That's the reason I went abroad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinabi naman ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago na nagsimula rin si Ms. Marquez-Araneta na tumingin sa mga Filipino designs simula last year at umaasa siyang Filipino designs na ang isusuot na gowns ng mga kandidata ng Pilipinas na ipadadala sa international pageants.

Read: Bea Santiago on MJ Lastimosa's national costume: “Hindi naman ito fashion show...It's about the woman behind the dress.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN