Saab Magalona weds musician Jim Bacarro in Baguio City

Actress-singer Saab Magalona and musician Jim Bacarro tied the knot via a simple ceremony at St. Ignatius Chapel inside the Philippine Military in Baguio City last Saturday, January 24.


BAGUIO CITY. Sa St. Ignatius Chapel o PMA Parish sa Philippine Military Academy compound dito sa Baguio ginanap ang kasal nina Saab Magalona at Jim Bacarro noong Sabado, January 24.

Bandang 3 P.M. nagsimula ang seremonyas, na ang nag-officiate ng kasal ay si Rev. Father Raul S. Ciño.

Hindi kalakihan ang simbahan na dinekorasyunan ng mga libro ang gilid ng aisle na nilakaran ng wedding entourage. Idea ng bookworm na si Saab ang nasabing books.

Sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I wanted the whole feel of the thing to be parang library.

“You know, just a cozy library where everyone can be comfortable and relax. Nothing too fancy.

“Para homey, hindi nakaka-pressure to act a certain way, ‘di ba? Para lang feeling mo, you’re just at home.

“And I super love books. Si Jim naman loves comics and graphic novels.

“So, parang yun ang dalawang concept na ako yung more of the storybooks, 'tapos siya yung mga Star Wars at kung anu-anong fancy stuff.”

Maging sa reception sa Gov. Forbes Ballroom ng Baguio Country Club ay may mga libro rin. Ang ganda nung books backdrop sa stage na mala-library ang peg.

Ayon kay Saab, mga totoong libro ang ginamit doon ng wedding coordinator nila, pero mga sira-sira na itong medical books na nabasa sa baha.

NO PERFECT GIRL. Modern bride ang dating ng 26-anyos na daughter ng nasirang Master Rapper na si Francis M. at ni Pia Arroyo-Magalona nang lumakad siya patungo sa altar.

Simple lang ang off-shoulder, mermaid-cut wedding gown ni Saab na gawa ng kaibigan niyang si Sassa Jimenez.

Walang tradisyunal na belo na nakatakip sa mukha ng bride, mayroon lang maiksing veil sa likod ng buhok niya.

Si Saab ang nag-decide na huwag na lang mag-veil sa face dahil mai-stain pa raw ito ng luha niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang suot niyang sapatos, sa halip na yung usual stiletto heels ay black YSL booties.

Nag-iyakan sa loob ng simbahan sa madamdaming exchange of vows nina Jim and Saab.

Naunang magsalita ang 27-anyos na groom, na bandmate ni Saab sa indie rock band na Cheats.

Saad ni Jim, “When I first saw you, met you, I was just so curious.

“I couldn’t think down what type of girl you were. You were such a mystery.

“All I knew is that you were a bit annoying, masungit, but definitely special.

“Who knew this mystery would eventually be a major crush that led to some flirtation which then blossomed into a beautiful friendship?

“Most people spend so much time looking for the perfect girl.

“The truth is, there is no perfect girl, only a friend, a best friend. That’s you.

“A friend who holds my hand and that in itself assures me that my weirdness and all my quirks can make an impact to the world.

“A friend whose imagination and brilliance inspires me to see the world…

“A friend who makes me laugh and holds me when I feel the world turns against me.

“So, thank you, not just for being my best friend but choosing to love me as much as you have.

“To go beyond your comfort zones and giving me all that you can give.

“Sabi ko nga, iba talaga ang pag-ibig ng Magalona.

“So I promise to never stop being your friend, to understand you and try my best even when you’re incomprehensible.

“To tell you when you’re wrong and admit when I failed. I promise to never let go, to never leave.

“I promise that you will never have to cry without me to cling to.

“I promise to remember all the reasons I fell in love with you, especially the days that we don’t like each other as much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I promise to give my best to you as a provider, your bandmate, your best friend, and as a father to our pretty and chubby musical geniuses.

“I promise that this would be our greatest adventure.

“From our sofa, to Saguijo, to Rome, to unexplored galactic territories.

“We will have the most fun in one lifetime together,” sambit Jim, habang panay ang pahid ng luha ng emosyunal na bride.

Patuloy ng groom na mahilig sa videogames, “Since I was a little boy, I envisioned the world in slow motion sequences protected by masked vigilantes and alliances that would save the world.

“But today is my biggest fantasy. One that goes beyond my imagination, because it’s you… My Precious!”

Ang lakas ng tawanan sa hirit na ‘yon ni Jim, na famous line ni Gollum sa Lord of the Rings movies.

Madamdamin pang sambit ni Jim, “So, before God today, I promise you a life of laughter.

“My loyalty, my love and a whole lot of rock and roll.

“My dad once told me, ‘The perfect love is like the perfect song. Some melodies may break and the rhythm may go off keys, but at the end, the song sing sweetly.’

“This is our masterpiece and I promise you, I will never get tired of singing it.”

STRANGE DREAM. Si Saab naman ay pahintu-hinto habang binabasa ang kanyang vows, na isinulat niya the night before, dahil sige siya sa pag-iyak.

“Three years ago, I woke up from a dream that we were dancing.

“What a strange dream to have about somebody I barely saw or talked to for the whole seven years we had known each other.

“You asked me out the day after that dream.

“After five hours of talking and laughing, neither of us wanted the night to end, but the restaurant was already closing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Who would have thought I will have the time of my life with the boy who wrote a hate song about me in college?

“We both know it was anything but love at first sight for the both of us. It’s okay. I believe the most beautiful things take time.

“Every day, I’m thankful that we fell in love at the right time.

“We could have been together years ago, it would have been fun, I’m sure.

“But the Jim I re-met in 2011 was an even better version of the one I knew in school.

“You were handsome, charming, fall-out-of-my-chair funny, so respectful, smart, and just my kind of weirdo. You are a rare breed.

“You are a rare breed of Pokemon and I caught you right when you evolved into a fine young man,” sambit ng bride, na umani ng tawanan mula sa teary-eyed people inside the chapel.

Patuloy ni Saab, “Your eyes are the ones I want my children to have.”

‘Tapos ay napaluha na naman siya nang sabihin niya ang linyang: “And I’m sure, you are the man my dad would have wanted for his baby girl.

“There is no doubt in my heart that he’s happy to be giving me away to you today.”

She concluded her vows by saying, “Three years ago, I danced with you once upon a dream.

“Now, I dance with you every night and today, I’m marrying my dream.

“Tonight, I’ll finally get to dance with my husband. I love you so much!”

Punumpuno ng pagmamahal sina Jim at Saab nang mag-kiss sila for the first time as husband and wife.

THE RECEPTION. After the wedding ceremony ay tumuloy ang lahat sa Baguio Country Club para sa reception.

May cocktails muna sa Infinity Garden ng BCC, bago ang dinner sa Cameron Forbes Ballroom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakaibang grand entrance ang gimik ng newlyweds sa reception venue. Nauna ang bridesmaids na nagsilakad na parang mga model.

Sumunod ang groomsmen na pawang nakasuot ng black cloak at may hawak na lightsabers, hitsura ng mga Sith Lords mula sa favorite movie ng groom na Star Wars.

Pagpasok nina Jim at Saab ay mayroon din silang tig-isang lightsabers.

‘Tapos ay itinaas ni Jim ang kanyang lightsaber at umakting na tila isang Jedi knight na pinatalsik ang lahat ng kanyang kalabang dark forces.

Medyo iba rin from the usual ang mga eksena sa reception. Inuna ng couple ang pag-cut sa wedding cake, na sinundan ng wine drinking.

Kinantiyawan sila ng host na si Tim Yap na mag-kiss for at least 10 seconds at binilangan pa nito ang liplock ng bagong kasal.

Meron ding tanggalan ng garter mula sa binti ng bride na bibig at ngipin lang ni Jim ang kanyang ginamit.

Iba rin ang style sa bouquet ng bride, na pinagpasa-pasahan ng single ladies imbes na ihahagis ito sa kanila at sasaluhin.

Funny and touching ang speech ng best man at best friend ni Jim na si Manny Tanglao Jr.

Hindi nagpatalbog dito ang maid of honor at elder sister ni Saab na si Maxene Magalona na nagbigay ng sweet and emotional speech.

Ang husay rin magsalita ng father of the groom na si Mr. Rey Gerardo Bacarro.

Pero most applauded ang ‘unprepared’ speech ng mother of the bride na si Pia Magalona, na sobrang funny and witty.

Paulit-ulit ang pagsabi ni Pia na super love niya si Jim.

Aniya, strong ang personality ni Saab, pero naging mas madali itong kausap dahil kay Jim who brings out the best in her.

Si Pia rin ang tumatayong manager ng kanyang mga anak.

Kuwela yung hirit ni Pia na wala silang ganung klaseng wedding ni Francis M. noong araw dahil nag-elope lang sila o nagtanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay ng surprise song number ang Magalona boys na sina Frank, Elmo, at Arkin Magalona kasama ang elder half-brother nilang si Nicolo Fernando.

Naggitara si Nic, nag-drums si Frank, at kumanta sina Elmo at Arkin ng “Best I Ever Had” ni Drake.

Si Saab ay sinorpresa rin ni Jim with a brand new song na isinulat nito. “Isabelly”ang title ng kanta na isa sa surprise gifts ni mister sa kanyang misis.

Later on ay nag-join din si Saab at kumanta ang mag-asawa kasama ang banda nilang Cheats.

Sweet na sweet ang mag-asawa habang nagsi-share ng mic at nagdidikit ang mga mukha while singing.

BABIES. Nakausap ng PEP sina Jim at Saab the morning after the wedding.

When asked kung ilang anak ang gusto niya, ang sagot sa amin ni Saab ay tatlo.

E, si Jim, ilang babies ang gusto?

“Ahh… three!” nakangiting tugon nito, na akala namin ay iba ang isasagot.

Agad-agad ba silang gagawa ng baby?

“No, maybe like four years pa. We’re gonna travel first,” nakangiting sambit ni Mrs. Saab Magalona-Bacarro.

Bukas, January 27, ang lipad ng mag-asawa papuntang Kyoto, Japan, kung saan sila magha-honeymoon for five days.

Wedding gift iyon sa kanila ng isa sa kanilang principal sponsors.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN