Vice Ganda, Ruffa Gutierrez, John Lapus saddened by MJ Lastimosa’s failed Miss Universe bid

"Congrats pa din MJ Lastimosa! You did your best! Baka po di muna ko makapasok sa Showtime mamaya. May kukulamin lang ako," says Vice Ganda (left), who remained supportive of MJ Lastimosa despite her loss in Miss Universe 2014.


Maraming Pinoy ang nadismaya nang hindi palaring makapasok sa Top 5 ang Miss Philippines candidate na si Mary Jean Lastimosa sa katatapos na 63rd Miss Universe beauty pageant.

Maging ang ilang showbiz personalities na tumutok sa Miss Universe ay nagpahayag ng saloobin tungkol sa pagkabigo ni MJ na makamit ang korona sa itinuturing na pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo.

Read: MJ Lastimosa fails to continue Philippines’ winning streak in Miss Universe; Colombia wins the crown

Una na rito si Vice Ganda na bago pa lang ianunsiyo ang Top 5 finalists ay nagbiro na walang kakain kung hindi makakapasok si MJ.

Pabiro ring sinabi ni Vice na nakakapanghinayang dahil hindi niya napadalhan ng lucky charm si MJ bago ito nagtungo sa Doral, Miami, Florida, kung saan ginanap ang pageant.

Si MJ Lastimosa lang ang pala ang di nag GGV bago sumabak sa MissU. Di ko napadala ang bertud.

— jose marie viceral (@vicegandako) January 26, 2015

Maging si Miss World 1993 2nd Princess Ruffa Gutierrez ay todo ang panghihinayang sa naging resulta ng Miss Universe 2014.

Dagdag pa rito na tila sablay ang performance ng napiling Top 5 finalists pagdating sa Question and Answer Portion.

Dismayado rin si John Lapus at sinabing para siyang “nalantang bulaklak” nang hindi tawagin ang Pilipinas sa Top 5 finalists.

Pagkatapos ay pabirong ibinaling ni Sweet ang sisi kay Binibining Pilipinas Charities Inc. chair Stella Marquez-Araneta.

Maging si Bianca Gonzalez ay nagkomento na sana ay Filipino designers na ang kunin sa susunod para gumawa ng susuoting gowns ng Binibining Pilipinas candidates.

Naunang nakatanggap ng pambabatikos si Mrs. Araneta dahil sa pagpili kay Alfredo Barraza, ang Colombian designer na gumawa ng evening gown ni MJ para sa Miss Universe.

Read: Stella Marquez-Araneta on why Binibining Pilipinas bets to international pageants do not wear gowns by Filipino designers

Samantala, ilan pa sa mga nagpahayag ng kanilang saloobing tungkol sa hindi pagpasok ni MJ sa Top 5 ay sina Kim Chiu, Miriam Quiambao, Tim Yap, at Pia Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng resulta ng pageant, todo pa rin ang suporta nila sa pambato ng Pilipinas na si MJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN