MJ Lastimosa fails to continue Philippines’ winning streak in Miss Universe; Colombia wins the crown

Mary Jean Lastimosa (left) and Miss Colombia Paulina Vega, who is recently crowned Miss Universe 2014. The gowns that the two women wore in the Miss Universe pageant were reportedly designed by the same designer, Colombian Alfredo Barraza.


Nabigong masungkit ni Mary Jean Lastimosa ng Pilipinas ang pinakaaasam na korona sa katatapos lang na 63rd Miss Universe beauty pageant.

Ginanap ang coronation night sa FIU Arena sa Florida International University, Miami, Florida, USA, Linggo ng gabi, January 25 (January 26 ng umaga sa Pilipinas).

Nakaabot hanggang Top 10 si MJ ngunit hindi na siya nakasama sa Final 5, na hudyat ng pagtatapos ng winning streak ng Pilipinas na laging pasok sa Top 5 nang sunud-sunod na taon simula noong 2010.

Si Paulina Vega ng Colombia ang kinoronahang bagong Miss Universe.

First runner-up naman si Miss USA Nia Sanchez, 2nd runner-up si Miss Ukraine Diana Harkusha, 3rd runner-up si Miss Netherlands Yasmin Verheijen, at 4th runner-up si Miss Jamaica Kaci Fennell.


MJ IN TOP 15 AND TOP 10. Sa pagsisimula ng itinuturing na pinakaprestihiyosong international beauty pageant, nagpakilala ang 88 kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Pagkatapos ay tinawag ang mga bansang pasok sa Top 15 na pinili mula sa preliminary competitions na ginanap noong January 21 (January 22 sa Pilipinas).

Pang-siyam na tinawag ang Philippines.

Nakapasok din sa Top 15 ang mga kandidata mula sa Colombia, Italy, India, France, USA, Indonesia, Venezuela, Spain, Argentina, Jamaica, Ukraine, Brazil, Netherlands, at Australia.

Sumunod naman ang swimsuit competition para sa Top 15.

Nag-perform sa nasabing portion ang American singer-songwriter na si Prince Royce.

Pagkatapos ng swimsuit competition, pinili naman ang Top 10.

Pasok si MJ sa Top 10. Siya ang panlimang natawag.

Kabilang din sa Top 10 ang Jamaica, Colombia, Ukraine, Argentina, Spain, Netherlands, Venezuela, Australia, at USA.

Naglaban-laban naman ang Top 10 sa evening gown competition, at suot ni MJ ang kanyang white mermaid gown.

Ang American singer-actor na si Joe Jonas ang nangharana sa Top 10 semifinalists.

Bago i-announce ang Top 5, pinarangalan muna ang special awardees.

Itinanghal na Miss Congeniality si Miss Nigeria, si Miss Puerto Rico ang Miss Photogenic, habang inuwi ni Miss Indonesia ang National Costume award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TOP 5. Sumunod naman ang pagpili sa Top 5, at hindi nga nakapasok dito si Mary Jean.

Ang napabilang dito ay sina Miss USA Nia Sanchez, Miss Netherlands Yasmin Verheijen, Miss Ukraine Diana Harkusha, Miss Jamaica Kaci Fennell, at Miss Colombia Paulina Vega.

Nagkaroon ng dalawang sets ng question-and-answer portion.

Sa unang bahagi, galing sa mga hurado ang tanong, habang galing naman sa isang Facebook user ang last question na itinanong sa limang pageant contestants.

Ang tanong kay Miss Colombia ay galing sa American skateboarder at reality TV star na si Rob Dyrdek: “What could women learn from men?”

Sa tulong ng interpreter, sagot ni Miss Colombia: “I believe that women… that’s quite a tough question. I believe there’s still men who believe in equality and I believe that that’s what women should learn from men.”

Ang Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao naman ang nagtanong kay Miss USA: "If you were given 30 seconds to deliver a message to a global terrorist, what would you say?"

Para naman sa Facebook question, ang tanong sa Top 5 candidates ay: “What is the greatest contribution of your country to the entire world?”

Sinimulan ni Miss Colombia ang kanyang sagot sa pamamagitan ng pagsasabing ang kanyang bansa ay naging ehemplo para sa iba.

Pagpapatuloy pa niya, “I believe we are preserving people no matter what else we get on our way and continue fighting for what we want to accomplish. Notwithstanding many difficulties we have gone through today, we are world leaders in many different matters and I am quite proud to represent it before all of you.”

Bago i-announce ang bagong Miss Universe ay kinantahan muna ni Gavin DeGraw ang limang finalists.

Samantala, naging kontrobersiyal ang mga gown na suot ni Mary Jean sa Miss Universe.

Umani ng batikos ang kanyang national costume na likha ng Colombian designer na si Afredo Barraza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May usap-usapan ding si Barraza rin ang lumikha ng evening gowns nina Mary Jean at Paulina Vega.

Read: Bea Santiago on MJ Lastimosa's national costume: “Hindi naman ito fashion show...It's about the woman behind the dress.”

Huling napanalunan ng Pilipinas ang Miss Universe crown noong 1973.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN