Andi Eigenmann back on good terms with Jake Ejercito

"Four years isn’t a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends," says Andi Eigenmann in a Twitter post following circulating photos of her and Jake Ejercito in Singapore. Despite their on and off relationship over the years, the two have been vocal in saying that they consider each other as their "great love."


Kinumpirma ni Andi Eigenmann na nagkaayos na sila ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.

Ayon sa Twitter post ni Andi ngayong araw, January 26, hindi biro ang apat na taong pinagsamahan nila ni Jake bilang magkasintahan, kaya't nagdesisyon siyang maging "friends" ulit sila ni Jake.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang larawan nina Andi at Jake na kuha sa Singapore kahapon, January 25.

Hmmmmm 😏 @unoemilio @andieigengirl

A photo posted by Issa Maronilla Abueg (@issabueg) onJan 25, 2015 at 1:28am PST

Kasabay nito ay ang espekulasyong nagkabalikan na ang dalawa, mahigit isang buwan mula nang maugnay si Jake sa non-showbiz girl na si KC del Rosario.

Read: Jake Ejercito rumored to be dating non-showbiz girl; gets bashed due to issue involving Andi Eigenmann

Matatandaang inamin noon ni Andi na masakit para sa kanya ang makitang tila naka-move on na si Jake, humigit-kumulang dalawang buwan mula nang maghiwalay sila.

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito-KC Del Rosario romance: "I am most definitely hurting so much."

Ngunit wala pang isang buwan ay lumabas ang balitang hiwalay na sina Jake at KC, at desidido ang binata na makipag-ayos sa ex-girlfriend na si Andi.

Read: Has Jake Ejericto-KC Del Rosario romance gone sour?


MORE THAN "FRIENDS." Mismong non-showbiz friend nina Andi at Jake ang nagbahagi ng larawan kung saan makikitang masaya at halatang nagkaayos na ang dating magkasintahan.

Kalakip nito ay ang makahulugang caption na tila nagpapahiwatig ng muling pagkakamabutihan ng controversial couple.

Bukod sa kanilang larawan na kuha sa tapat ng Barrio Chino Music Bar, magkasama rin sila sa isang private party sa Fairmont Hotel kasama ng iba pa nilang non-showbiz friends.

Bagamat hindi pa nagpu-post sina Andi at Jake ng couple photo sa kani-kanilang Instagram account, kapansin-pansin ding pareho silang may larawan kasama ang modelong si Georgina Wilson.

Sabi pa ni Jake sa caption ng naturang larawan: “All’s good in the hood!”

Bagamat hindi malinaw kung pormal na silang nagkabalikan bilang magkasintahan, todo ang suporta ng kanilang common friends kina Andi at Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilan pang Instagram posts kung saan makikitang magkasama ang dalawa sa Singapore...

The best night of #Lasingapore #Laneway2015

A photo posted by Sean de Dios (@seanofgod) onJan 24, 2015 at 11:25pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN