Maria Isabel Lopez on national costume of MJ Lastimosa in Miss U: "It’s a sacrilege! Sampal yun sa ating mga local designers."

Ayon kay Maria Isabel Lopez, noong panahon niya ay mga Pinoy fashion designers ang gumagawa ng kanilang kasuoton. Nagbago lang daw ito nang magbukas ng kanyang sariling boutique ang chairman ng Binibining Pilipinas Charities Inc. na si Stella Marquez-Araneta. "It’s all business interest, e. It all boils down to commercialism," sabi ng Bb. Pilipinas-Universe 1982.


“Hindi gawang-Pinoy. It’s a sacrilege!

“Sacrilege yun, sampal yun.

“Sampal yun sa ating mga local designers. That’s a slap.

“Talagang nobody could interpret our national costume except a Filipino themselves.”

Ito ang pahayag ni Maria Isabel Lopez nang hingan ng opinyon ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) tungkol sa kontrobersiyal na gowns ng kandidata ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa sa ginanap na preliminaries ng Miss Universe 2014 sa Florida, USA.

Na-bash nang husto ang gown ni Mary Jean o MJ, na ang iba pa ay inihalintulad ito sa kakaning sapin-sapin at sa makulay na cake.

Ang national costume at evening gown ni MJ ay idinisenyo ng Colombian fashion designer na si Alfredo Barrazza.

Read: Mary Jean Lastimosa's national costume for Miss Universe 2014 draws mixed reactions from netizens

Sabi pa ni Maria Isabel, “Sabi ko, parang ano, alam mo yung mga Mexicana?

“Parang gawa ng Hispanic, gawa ng Latina, hindi siya gawa ng Pinoy.

“At saka, my God, that’s a slap to our world-class designers like Albert Andrada, sila Rocky Gathercole, mga well-known sila around the world, even si Francis Libiran.

“That’s sacrilege, para i-interpret nang ganun.

“So, iyon lang yung sa akin. Para sa akin, it’s ano… sacrilege!

“’Tsaka sampal sa mga local designers at saka everybody knows it’s really ano, pangit!"

Patuloy niya, “At saka alam mo, way back, nung time namin, even time nila Alma Concepcion [Bb. Pilipinas-International 1994], lahat ng Binibining Pilipinas, may kanya-kanya kaming designer.

“It’s a glorification of our local designers, ‘tapos lahat ng mga bakla, lahat from sila Aureo Alonzo, Pitoy Moreno, mga icons, lahat ‘yan binibihisan nila yung mga bawat candidates.

“When she opened her Cumbia, yung boutique niya, nawala na."

Ang tinutukoy ni Maria Isabel ay ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. chairman na si Mrs. Stella Marquez-Araneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng beauty queen turned actress, “It’s all business interest, e.

“It all boils down to commercialism.

“Nothing personal, ha? Kahit sabihin mong may rift kami before, it’s just being objective.”

Okey na ba sila ni Mrs. Araneta?

“No, wala lang kaming communication.

“Pero, hindi ba, ang gagaling ng mga designers natin, recognized abroad?

"Para namang... at saka, my God, yung evening gown competition, na ang haba-haba ng figure ni MJ, nilagyan ng cut?

“Nagkaroon ng cut 'tapos naka-white, imbes na humaba yung svelte figure, na-shorten yung figure niya tuloy.

“Sabi ko nga, sana maisalba, sana huwag niyang suotin, 'tapos nilagyan ng mga parang ang laki-laking bulaklak sa ano.

“So, iyon lang.”

Nakauspa ng PEP si Maria Isabel Lopez sa taping GMA afternoon soap na Ang Lihim Ni Annasandra sa Wawa River, sa may montalban, Rizal, kahapon, January 26.

POLITICS IN BEAUTY PAGEANTS. Hindi pinalad si MJ na maiuwi ang korona ng Miss Universe, hanggang sa Top 10 lamang ito umabot.

Read: MJ Lastimosa fails to continue Philippines’ winning streak in Miss Universe; Colombia wins the crown

Sabi ni Maria Isabel tungkol dito, “Okay lang yun, basta ang importante, she made her mark.”

Sa tingin ba niya ay may halong pulitika ang isang beauty pageant?

Tugon niya, “Hindi naman nawawala kasi ang politics, e.

"There’s politics in any field.

“Whether it’s showbusiness, beauty pageants, lahat nandiyan ang politics.”

Si Maria Isabel ay nagwaging Bb. Pilipinas–Universe noong 1982, at ang nagbihis daw sa kanya noon ay ang designer na si Rudy Fuentes.

May mensahe ba siya para kay Mrs. Araneta?

“Wala! No comment.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga kandidata sa Binibining Pilipinas this year, ‘tulad ni Winwyn Marquez, anak nina Alma Moreno at Joey Marquez?

Sabi ni Maria Isabel, “Naku I’m so happy for Winwyn, for the win!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They have to dare to be different. Hindi puwede na yung typical beauty queen ka.

“Kasi lahat maganda, lahat naman maganda ang katawan, lahat sexy, na how do you stand out?

“You have to dare to be different.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN