Maria Isabel Lopez differentiates Kapamilya and Kapuso stars

Maria Isabel Lopez on working with ABS-CBN and GMA stars: "Siguro sa Kapamilya, I would say na, yung mga artista dun, medyo alam nila na topnotch sila... Dito [sa GMA], ang babait ng mga artista! Kahit six o’ clock na, hindi sila nagrereklamo. They work very, very hard."


Last taping day na ni Maria Isabel Lopez para sa GMA afternoon soap na Ang Lihim Ni Annasandra kahapon, January 26.

Ayon sa beauty queen turned actress, mami-miss niya si Rochelle Pangilinan na gumanap na anak niya sa naturang programa.

“Mami-miss ko itong gagang ito!” bulalas ni Maria Isabel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, “Passionate siya sa craft niya, sa work niya. She’s a serious actress.

“At saka she has a very humble origin.

“Not only kay Rochelle, but to the rest of the stars here, hindi sila maldita.

“They’re very patient, very professional.

“Ako nga yung maingay, ‘Day, ang babait niyo naman! Magreklamo kayo, huwag kayong pumayag ng ganyan!’

“Ako nga yung ganun, e.

“Yung mga artista dito, ang babait nila, wala silang mga sungay.”

Sino bang artista na may sungay ang nakatrabaho niya?

“Marami!” tawa ni Maria Isabel.

“Yung mga artista dito, wala silang mga sungay.

“Kasi ako naman, I’ve been around, thirty-three years naman ako sa industry. Marami na akong nakatrabaho.

“Ang babait ng mga artista dito.

"They’re so humble, they’re so not mareklamo and hindi sila ganung ka-demanding.”

ABS-CBN AND GMA. Bago ang Ang Lihim Ni Annasandra ng GMA Network, sa ABS-CBN napanood si Maria Isabel via The Legal Wife.

Kaya tinanong namin siya kung ano ang kaibahan working with the two top networks.

Saad niya, “Siguro sa Kapamilya, I would say na, yung mga artista dun, medyo alam nila na topnotch sila.

“Medyo dun ko nakita yung pagka halimbawa, yung parang working conditions ano na, they could easily just go to their van and leave.

“Meron kaming mga ganung situations.”

Basta umaalis nang walang paalam?

“Hindi naman aalis nang walang paalam, pero ‘pag sinabing cut-off na ng ganito, basta na lang mawawala.

“Parang na-experience ko na yun. Umalis nga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Dito [sa GMA], ang babait ng mga artista!

“Kahit six o’ clock na, hindi sila nagrereklamo.

“They work very, very hard.

“Wala silang mga sungay.”

Sa ibang TV network ba ay may mga nakatrabaho siyang may sungay?

“Wala akong sinasabing may sungay sila, ha!

"Ako, may sungay ako, alam ko," sagot ni Maria Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN