Miss Jamaica clarifies she has no Filipino blood

Miss Universe 2014 4th runner-up Kaci Fennell of Jamaica reveals, via Instagram, that she has no Filipino blood, contradicting recent reports online claiming that the Jamaican beauty is of Filipino descent.


Walang dugong Pilipino si 2014 Miss Universe 4th runner-up Kaci Fennell ng Jamaica, taliwas sa ilang online reports pagkatapos ng coronation night.

Mismong si Kaci ang nagbigay-linaw sa isyung ito nang sagutin niya ang isang nagtanong sa kanya sa Instagram kung may lahing Pinoy ba ang Jamaican beauty queen.

Ang sagot ni Kaci ay mababasa sa comment section sa isa sa kanyang Instagram posts.

Tanong ng Instagram user na si @http.awesomestHi: “@kacifenfen it says that you have Jamaican, African and Filipino roots. Is it true that your mom is Filipino? Can you please confirm? Coz sometimes, Wiki is a bit too unreliable. Thank you!”

Sagot ni Miss Jamaica: “Thanks for bringing that to my attention. But I am a born and bred Jamaican with French, Indian, English and black roots. Both my parents are Jamaican as well.”

(Ang Instagram post ni Kaci Fennell anim na buwan na ang nakalilipas kung saan mababasa sa comment section ang paglilinaw niya na wala siyang dugong Pinoy. )

Ang 22-anyos na dalaga ay isinilang sa Kingston, ang pinakamalaking siyudad at kabisera ng Jamaica.

Nilinaw na rin niya ito sa kanyang interview nung September 2014 sa isang radio show sa Jamaica.

Naka-upload sa YouTube ang episode ng kanyang interview sa radio show na Nightly Fix kunsaan nilinaw niya ang mga maling impormasyon tungkol sa kanya na nakalagay sa Wikipedia.

Binanggit niya ang tungkol sa maling impormasyon na Filipina ang kanyang ina sa 6:56 ng video.

Lumikha ng ingay si Kaci sa Miss Universe 2014 pageant noong January 25 (January 26 sa Pilipinas), nang ideklara siyang 4th runner-up sa Top 5, sa kabila ng kanyang impresibong performance sa question-and-answer portion ng nasabing beauty pageant.

Dinig na dinig ang pagbu-boo ng mga nasa audience nang tawagin ang Jamaica bilang 4th runner-up, inidikatibo na hindi sila pabor sa naging desisyon ng mga hurado.

Ang kinatawan ng Colombia na si Paulina Vega ang kinoronahang Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kandidata naman ni Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa ay pumasok hanggang sa Top 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN