KC Concepcion neither confirms nor denies rumored return of mom Sharon Cuneta to ABS-CBN

KC Concepcion on mom Sharon Cuneta’s rumored return to ABS-CBN: “I don’t think she can ever leave the Kapamilya network, and I don’t think the Kapamilya network can really let her go that easily. Mahaba pa naman ang buhay, and sana talaga magkasama uli kami dito.”


Hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni KC Concepcion ang balitang magbabalik diumano sa bakuran ng ABS-CBN ang kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Matatandaang pagkatapos ng 23 taong pagiging Kapamilya ay lumipat sa TV5 ang Megastar noong 2011, kung saan balitang tumataginting na P1-billion ang pinirmahan niyang kontrata.

Ngunit hindi pa man natatapos ang five-year contract na pinirmahan ni Sharon sa Kapatid network ay umalis na siya dito noong 2014.

Read: Sharon Cuneta leaves TV5 with "unresolved issues"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang panganay na anak ni Sharon na si KC sa pictorial nito para sa 20th anniversary ng ASAP, kung saan tinanong namin siya sa balitang pagbabalik ng kanyang ina sa ABS-CBN.

Pahayag niya tungkol dito, “Siguro, hopefully, kasi home niya naman talaga ito.

“Dito rin naman ako lumaki and siya.

“I think yung first million ng ABS, she was with them.

“She was here when ABS really earned their first million and billions, so it’s really her family.

“It felt like a divorce nga raw nung umalis siya, kasi really big part of her life itong Kapamilya.

“I don’t think she can ever leave the Kapamilya network, and I don’t think the Kapamilya network can really let her go that easily.

“Mahaba pa naman ang buhay, and sana talaga magkasama uli kami dito.”

Kung sakaling bumalik nga si Sharon sa ABS-CBN, bukas kaya si KC na gumawa sila ng teleserye ng kanyang ina?

Saad ng actress-TV host, “Hindi ko pa yun naiisip at all kasi, feeling ko, mahihiya akong umarte sa harap ng nanay ko.

“Hindi ko yata kaya yun.

“I really want to see her talagang shine sa teleserye, kasi ang forte niya talaga is movies.

“And siyempre, yung generation nila was really all about movies, cinema.

“It was really interesting to see her na sasabak naman sa teleserye world, so tingnan na lang natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOSING WEIGHT. Kaugnay naman ng usap-usapang patuloy na pagbabawas ng timbang ng Megastar, masayang ibinalita ni KC na kinakikitaan niya ng determinasyon ang ina para patuloy itong pumayat.

“Oo, sobra siyang serious sa weight loss. Siguro mga 30 lbs. yung nababawas sa kanya.

“Si Ninang Zsa Zsa [Padilla] kasi talaga, sobrang ganda ng katawan… best friends naman sila before.

“Siguro ganun din ang tinitingnan ni Mom, na kung kaya niya na healthy at ‘di siya mahihimatay sa ginagawa niyang pagpapayat, siyempre yun naman ang gusto niyang mangyari.

“It takes time… Yung healthy kasi na weight, it takes time.”

Ayon din kay KC, ininda talaga nang husto ng Megastar ang pagkamatay ng ina nitong si Elaine Cuneta.

“More than that siguro, she is trying to cope with the losss of my grandmother ko nga, all of us are.

“Pero ang maganda kasi sa family namin, sobra kaming close.

“Typical Filipino family na hindi nag-iiwanan, hawak-kamay.

“Everyone is just giving each other a good time and making sure that we spend time a lot of time together.”

MISSING HER MAMITA. Sa huling panayam ng PEP kay KC sa ABS-CBN Christmas special, nabanggit nitong nagbabalak ang pamilya nila na magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa ibang bansa para hindi sila gaanong malungkot sa mga okasyong ito.

Pero hindi pala sila natuloy umalis ng kanyang pamilya.

Kuwwnto ni KC, “Hindi na nangyari yun, kasi birthday ng lola ko was December 31.

“So, nag-stay na lang kaming lahat dito.

“Kasi medyo wala na rin kaming energy na mag-plan ng trip namin as a family.

“Kasi nga, may kulang this year, kaya we all decided to stay.

“Nag-bingo lang kami bilang mga Kapampangan kami.

Aminado naman si KC na hanggang sa ngayon ay sobrang nami-miss pa rin niya ang kanyang Mamita.

“I miss her a lot. Marami pang times na talagang nakakalimutan ko na wala na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakalaking kawalan, pero that’s life.

“Siguro sa lahat ng ginagawa ko, I will always think of her.

“Parang minsan nga, naririnig ko ang boses niya ‘pag may ginagawa ako na ayaw niya.

“Or ‘pag alam kong gusto niya, parang nandiyan lang siya.”

Dagdag pa ni KC, “That’s life.

“Sabi ko nga, life is short, just enjoy it and surround yourself with people na masayahin, na positive, na ‘di madrama.

“Kasi madrama na ang showbiz, dadagdagan mo pa?

“Pang-light-light lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN