Mary Jean Lastimosa to her supporters: “Don’t be sad… let’s not blame anyone anymore.”

Mary Jean Lastimosa thanks supporters for supporting her throughout her Miss Universe journey, and although she didn’t win, they are still proud of her. She also discloses that she is now at the end of her pageant career.


Isang nakangiting Mary Jean “MJ” Lastimosa ang nagbigay ng kanyang mensahe sa isang maiksing video pagkatapos niyang lumaban bilang kinatawan ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe, na ginanap nitong Lunes ng umaga, January 26, sa Pilipinas.

Nabigong maiuwi ni MJ ang korona at makapasok sa Top 5, kahit na nakapasok siya sa Top 10 at Top 15.

Si Paulina Vega ng Colombia ang kinoronahang Miss Universe 2014.

Read: MJ Lastimosa fails to continue Philippines’ winning streak in Miss Universe; Colombia wins the crown

Sa video na lumabas sa Facebook, unang pinasalamatan ni MJ ang kanyang mga tagasuporta na hindi raw siya iniwan sa tatlong taon niyang paghahanda para sa international beauty pageant.

Tatlong beses sumali si MJ sa Binibining Pilipinas, bago siya hinirang na Miss Universe-Philippines at lumaban sa Miss Universe.

“Hi to all the MJ All The Way, thank you for all the support. Tatlong taon din nating ‘tong pinaghirapan,” simula ng beauty queen.

Ang "MJ All The Way" ay ang kampanya ng mga tagasuporta ng dalaga para sa Miss Universe journey nito.

Binanggit din ni MJ ang pagtatapos ng kanyang pageant career.

“'Eto na, tapos na. First day of finally graduating sa pageant career, sobrang masaya.

“At least, yung ending ng journey ko, naging proud kayo lahat sa akin.”

Nakiusap din ang 2014 Miss Universe-Philippines sa kanyang supporters na huwag nang palakihin pa ang isyu tungkol sa kanyang pagkatalo.

Naging malaking usapin sa mga beauty pageant enthusiasts ang national costume at evening gown ni MJ at sinasabing naging dahilan umano ng kanyang pagkatalo.

“Kung anuman yung kinalabasan ng competition, don’t be sad, kasi nakita naman ng buong mundo na ipinaglaban natin, 'di ba?

“So, let’s be happy, always be positive.

"Na lagi naman tayong positive, so i-continue na lang natin.

"And let’s not blame anyone anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s just spread the love and be at peace, kasi yun lang ang nakakaganda.”

Dagdag ni MJ, “Suportahan natin ang mga susunod na representative ng country natin dahil hindi po madali na mag-represent ng bansa.

"And sobrang dahil nandiyan kayo, napapadali, gumagaan yung journey namin sa Miss Universe.

"So, lahat ng ito, para sa inyo. Ginawa ko para sa inyo.

“Thank you, love you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN