Police officer Neil Perez all set for Mister International; dedicates battle to slain SAF members

Philippine bet Neil Perez on how he prepared for the Mister International 2014 pageant: “Yung work out kasi ano, e, daily routine ko na yun e, talagang lagi akong nagwu-workout. ’Tapos yung lakad na lang, siyempre, medyo tinrain [trained] talaga nila ako dun sa lakad. Medyo ano kasi ako, medyo naka-slouch kasi ako, ’di ba? So, yun, ’tapos Q&A—lagi kaming nagtatanungan, ganun.”


Hindi maitago ni PO2 Mariano Flormata Jr.—o mas kilala bilang "Neil Perez"—ang excitement sa papalapit na pageant night ng Mister International 2014.

Nakatakdang lumipad patungong Seoul, South Korea si Neil sa Lunes, February 2, para sa Mister International 2014.

Naging matunog ang pangalan ni Neil sa social media nang mabalitaan ng netizens na isang pulis ang sumali sa male pageant na Misters of the Philippines 2014, at kalauna’y siya rin ang itinanghal na panalo.

Anim na taon nang kabilang sa Aviation Security Group ng Philippine National Police si Neil.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News kay Neil sa send-off party nito sa One Esplanade, Pasay City, ngayong Martes, January 27, inamin nitong mayroon siyang nararamdamang kaunting kaba, lalo na’t ito ang unang beses niyang sumali sa isang international pageant at maging ang unang beses na aalis siya ng bansa.

Sabi ng 29-year-old police officer, “Excited na medyo may konting kaba.

“Siyempre, malapit na, ‘tsaka feeling ko naman, ie-enjoy ko lang yung pageant, siguro.

“Ipapakita ko lang yung best ko.”

Hindi raw makapaniwala ang mga kakilala ni Neil nang mabalitaan ng mga ito na sumali at nanalo siya sa isang male pageant.

Kuwento niya, “Nung unang nakita nila ako sa TV, nagulat talaga sila na hindi nila akalain na sumali pala ako sa ganun.”

Laking pasasalamat naman ni Neil dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Sabi pa niya, “Natutuwa sila ‘tsaka inano nila na susuporta sila.

“Yun yung malaking bagay na parang nakaka-proud talaga, na yung mga kapitbahay mo, mga kabaro mo, ‘Galingan mo, good luck, good luck!’”

Kaya naman, pangako ni Neil, “Gagawin ko ang lahat para mauwi yung titulo na yun.

“Para sa bansa, para sa PNP, para sa mga sumusuporta sa akin.”

PREPARATIONS. Ilang beses ding na-postpone ang pageant night ng Mister International 2014 na balak sanang ganapin noong November 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman nabigyan pa ng pagkakataon si Neil na mas makapaghanda para rito.

Ngunit paano nga ba siya naghahanda para sa Mister International pageant?

Sagot ni Neil, “Yung work out kasi ano, e, daily routine ko na yun, e, talagang lagi akong nagwu-workout.

“'Tapos yung lakad na lang siyempre, medyo tinrain [trained] talaga nila ako dun sa lakad.

“Medyo ano kasi ako... medyo naka-slouch kasi ako, 'di ba?

“So, yun, 'tapos Q&A—lagi kaming nagtatanungan, ganun.”

Bukod sa pagwu-workout, patuloy rin ang training ni Neil para sa question-and-answer portion ng pageant.

Aminado naman si Neil na nahihirapan siya sa communication skills kaya naman plano nitong kumuha ng interpreter pagdating ng pageant.

Paliwanag niya, “Para sa akin, yung ano, e, yung communication skills talaga.

“Pero may plano kami na mag-interpreter talaga ako para ano... maging confident ako.

“Kasi dun talaga ako kumportable, e, na Tagalog.”

Dagdag pa niya, “Yung mga organizer, every day, parang ano na namin... bisyo na namin sa office na, ‘Neil, ganito..’

“'Tapos sasagot na ako.

“Natural lang, kung ano lang yung nilalaman ng puso at isip ko, yun ang isasagot ko.”

FILIPINO MADE. Sa press conference, natanong si Neil kung ano ba ang natutunan niya sa katatapos lang na Miss Universe 2014 pageant, kung saan lumaban si Mary Jean Lastimosa.

Hindi lingid sa kaalaman ni Neil na naging matunog na isyu ang pagkuha ng isang foreign designer upang gumawa ng national costume at evening gown na ginamit ng mga kandidata mula sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon.

Kaya naman laking pagmamalaki ni Neil na Filipino designers ang gumawa ng kanyang mga isusuot para sa pageant.

Sabi niya, “Yun yung lesson so… kaya nag-prepare kami nang maigi nung nakita namin yung Miss [Universe].

"Naging prepared kami na, ito nga, yung costume and yung formal [wear], ipinakita namin sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All Filipino designers na talaga yung gumawa.”

Ang gumawa ng kanyang national costume ay si Edwin Uy, habang ang kanyang formal wear naman ay gawa ni Olan Roque.

Dinagyang Festival daw ang naging inspirasyon ni Edwin para sa national costume, habang isang black tuxedo naman na may printed long-sleeve shirt ang naisip gawin ni Olan na bagay na bagay raw sa personalidad ni Neil.


SAF MEMBERS. Samantala, tinanong din ng GMA at PEP si Neil kung ano ang masasabi nito sa pagkamatay ng 43 miyembro ng PNP Special Action Forces (SAF) dahil sa mahigit 11 oras na engkuwentro laban sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Pito sa ka-batch ni Neil ang kasamang nasawi sa engkuwentro, kaya naman ikinalungkot niya nang marinig ang balitang ito.

“Siyempre, malungkot, naging ano rin sa akin... pumasok rin sa isip ko na, ‘Bakit ganun?’

“So, nalungkot ako, pero gagawin ko lahat.

“Ito yung pinakabawi ko sa kanila.

“Dine-dedicate ko rin po itong laban ko para sa mga kabaro ko.

“Lalo na sa mga ka-batch ko na SAF, pito sila, so para sa kanila 'to.”

Bukod dito, nag-iwan din ng mensahe ng pakikiramay si Neil sa mga naulilang kamag-anak at kaibigan ng mga nasawi sa engkuwentro.

Sabi ni Neil, “’Tsaka nakikiramay din ako sa pamilya ng mga ka-batch ko.

“Hindi lang dun sa mga ka-batch ko, kundi dun sa mga SAF na namatay sa ambush.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN