Empress Schuck opens up about lack of projects in ABS-CBN: "Na-hurt talaga ako."

Empress Schuck on her transfer from ABS-CBN to GMA: "Loyal ako sa kanila. Sa kanila ako lumaki. Bata pa lang ako nasa kanila ako. Hanggang ngayon, parang wala namang nabibigay sa akin [na project]. So, ang feeling ko talaga, na-hurt talaga ako."


Inamin ni Empress Schuck na nasaktan siya nang hindi mabigyan ng proyekto ng ABS-CBN sa loob ng halos dalawang taon.

Ayon pa sa 21-year-old actress, nang matapos ang kanyang three-year-contract ay hindi na ni-renew ng Kapamilya network ang kontrata niya.

“Inaamin ko, talagang nasaktan talaga ako.

"Pero, wala, kailangan nating mag-move on.

"Ganun talaga," sagot ni Empress nang tanungin kung may sama siya ng loob sa ABS-CBN kaya nagpasya siyang pumirma ng program contract sa GMA Network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Empress sa presscon ng bagong afternoon teleserye ng Kapuso Network, ang Kailan Tama Ang Mali?, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, Martes ng gabi, January 27.


ALMOST GAVE UP ON SHOWBIZ. Hindi man niya direktang napaabot ang kanyang hinanakit sa ABS-CBN management, naniniwala si Empress na alam ng big bosses ng naturang istasyon na hindi madali para sa kanya ang mabakante ng matagal na panahon.

“Hindi nila alam directly na sinabi ko na nasasaktan ako.

"Pero siguro naman, obvious naman yun.

“Loyal ako sa kanila. Sa kanila ako lumaki.

"Bata pa lang ako, nasa kanila ako.

“Hanggang ngayon, parang wala namang nabibigay sa akin.

"So, ang feeling ko talaga, na-hurt talaga ako.

“Pero hindi ko naman sila kinausap na nasasaktan po ako, kasi hindi ko naman kaya diretsuhin sila,” paliwanag ni Empress.

Itinuring siyang isa sa promising lead actresses ng ABS-CBN matapos niyang pagbidahan ang Rosalka at mahigit sampung Maalaala Mo Kaya episodes mula 2005 hanggang February 2014.

Nagkaroon din siya ng mga natatanging pagganap sa ilang ABS-CBN primetime teleserye ‘tulad ng Guns and Roses, Mundo Man Ay Magunaw, at Huwag Ka Lang Mawawala.

Sa kabila nito, inamin ni Empress na umabot sa puntong naisip niyang iwan na lang ang showbiz.

Hindi raw kasi maiwasang kuwestyunin niya ang kanyang sarili dahil sa tagal niyang nabakante sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo naman, kaya nga ako nasaktan kasi parang sinisi ko rin sarili ko.

“Ang daming realizations. Minsan, parang sabi ko, ayoko na mag-artista, yung ganun.

“Normal lang naman yun. Tao lang din naman ako.

"Napagdadaanan ko yung mga bagay na yun—mga down moments."

Sa kabila ng lahat, nilinaw ni Empress na maayos siyang nakapagpaalam sa ABS-CBN management sa desisyon niyang lumipat sa GMA bilang freelancer.

“Nagpaalam naman din kami. Tinanong namin kung okay sa kanila.

"Sabi nila, okay lang.

“So, siguro, yun na talaga ang sign, sila na mismo ang nagsabi na okay lang.

"E, di mas maganda, may approval talaga nila."


HAPPY WITH GMA. Pagkatapos ng pinagdaanang pagsubok sa kanyang showbiz career, laking-pasasalamat ni Empress sa GMA nang bigyan siya ng offer na gumawa ng teleserye.

Aniya, “E, yun, sinabi ni Tita Becky [Aguila, her manager] na may offer dito [sa GMA].

“Parang nabuhayan talaga ako ng loob.

"'Tapos ganito pa yung ibinigay sa akin. Parang bumalik lahat.”

Pagkapirma ng program contract ni Empress sa Kapuso network ay sumabak agad ang aktres sa taping ng Kailan Tama Ang Mali.

Maituturing itong pagbabalik sa kanyang unang home network bilang nag-umpisa ang karera ni Empress sa showbiz sa GMA noong siya ay pitong taong gulang pa lang.

Read: Empress returns to GMA as a freelancer

Masaya si Empress dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng big bosses ng Kapuso network at pati na rin ng mga katrabaho niya sa Kailan Tama Ang Mali.

Ito raw ang naging daan upang manumbalik ang kanyang lakas ng loob at dahilan kung bakit siya “nakaka-move on na.”

Sabi pa ni Empress, “Na-overwhelm ako sa pagiging mabait ng GMA sa akin.

"Hindi ko in-expect na mabait yung mga tao, pati artista mabait.

“Warm yung pag-welcome nila sa akin kaya malaking tulong yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN