Rochelle Pangilinan and boyfriend Arthur Solinap unmindful of seven-year curse in relationships

Hindi raw naniniwala si Rochelle Pangilinan na dumadating sa magkakarelasyon ang tinatawag na seven-year itch. Paliwanag niya, "Si Lord naman talaga ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kahit na ano pang relasyon ‘yan. At kahit si Art, sinasabi rin niya, siyempre bilang isang Kristiyano, nasa effort niyo namang dalawa ‘yan kung paano niya magagawang malagpasan lahat ng problema sa relasyon."


Pitong taon na ang itinatakbo ng relasyon ng magkasintahang sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, ngunit hindi pa raw nila nararamdaman ang tinatawag na “seven-year itch” o panlalamig sa isa’t isa ng couples.

Ayon nga kay Rochelle, hindi siya naniniwala sa seven-year itch.

“Yung sinasabi nilang kapag seven-year itch, naghihiwalay? Hindi ako naniniwala.

“Marami nga ang nagsasabi sa akin, seven years na kayo, marami raw ang nangyayari, so ingat daw kami.

“Pero sa dami na ng trials na pinagdaanan namin, ngayon pa ba?

“Siyempre, kung ibibigay ni Lord, Siya naman talaga ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kahit na ano pang relasyon ‘yan.

“At kahit si Art, sinasabi rin niya, siyempre bilang isang Kristiyano, nasa effort niyo namang dalawa ‘yan kung paano niya magagawang malagpasan lahat ng problema sa relasyon.”

Kuwento pa ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong ikatlong taon ng relasyon nila ay marami rin daw ang nagsabi sa kanilang mag-ingat.

“Kasi, yung three years din daw, delikado rin daw yun.

“Pero, yung three years naman namin, wala namang ganap. Sweet pa nga kami!” natawang sabi niya.

Patuloy ni Rochelle, “At saka, kung talagang hindi pala kami para sa isa’t isa, kung maghihiwalay rin lang, maghihiwalay.

“Pero sa totoo lang, hindi, e. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang kasabihan o pamahiin.”

ARTHUR’S BOYFRIEND. Noong January 19 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Arthur.

Masaya naman daw si Rochelle dahil nakita niyang sobrang saya ng boyfriend sa ibinigay niyang sorpresa rito.

Kuwento ng dancer-turned-actress, “Sinurprise ko lang siya, actually, dito lang kami. Hindi kami lumabas ng bansa o nag-out of town.

“Nag-dinner lang kami sa isang hotel somewhere in Makati.

“E, ‘di ba, si Art, alam mo naman yun, bilang may takot pa rin yun sumakay ng eroplano.

“Natuwa naman siya sa hotel, sabi nga niya, parang nasa ibang bansa rin daw siya dun sa place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May AVP rin na ginawa ang mga kaibigan niya sa kanya, tawa siya nang tawa.”

FAVORITE ROLE. Sa isang banda, habang nalalapit na ang pagtatapos ng panghapong serye nila na Ang Lihim ni Annasandra, tila pasama nang pasama ang karakter ni Rochelle dito bilang si Esmeralda.

Nagulat nga kami nang sabihin ng aktres na pinakapaborito niya ang ginagampanang karakter ngayon.

“Actually, sa lahat ng character ko, ito ang pinakagusto ko.

“Gusto ko siya dahil fresh, hindi naka-sealed lang, hindi naka-kahon.

“Maganda siyang tumakbo, yung character ko, yung story ng Annasandra.

“Magagaling yung writers ng show. Hanggang sa ending, masu-susprise pa rin ang viewers sa magiging ending ng show.”

Bakit niya nasabing pinakapaborito niya ang kanyang karakter sa Ang Lihim Ni Annasandra?

Paliwanag ni Rochelle, “Gusto ko siya, maganda kasi yung character niya.

“Masama siya, kontrabida siya, gusto niyang mamatay si Annasandra kesa mapunta pa sa iba, kasi sobrang na-obsessed na siya. Nauwi na sa obsession.

“Mahal na niya si Annasandra. Para kay Esmeralda, anak niya ito.

“Siguro, isa siya sa paborito ko.

“Kasi, gusto ko rin yung role ko dati sa Daisy Siete, yung Ulingling.

“Yung role ko sa Amaya, gusto ko rin siya, kasi lahat ‘yan, malalalim ang Tagalog.

“Gusto ko yung mga ganoong role na ang lalalim ng Tagalog. Hindi ko alam kung bakit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN