Lea Salonga hits back at basher on Twitter over Miss Universe judging stint

Lea Salonga lashes back at a Twitter user who reposted a hate post intended for her and Manny Pacquiao, who both became a judge in Miss Universe.


Sinagot ni Lea Salonga ang isang Twitter user na ni-repost ang message ng isa pang social media user na pinagmumura ang Filipino Broadway star at si Manny Pacquiao sa pagiging hurado nila sa Miss Universe pageant.

Ang hindi pagkakapasok ni Mary Jean Lastimosa sa Top 5 ang pinanggagalingan ng social media user na may pangalang "Phil Romualdo."

Sinisisi nito si Manny Pacquiao—na isa sa mga hurado sa 63rd Miss Universe na ginanap sa Miami, Florida noong Lunes, January 26—sa pagkabigo ni MJ na maiuwi ang korona.

Ayon sa post ni @geneyulo" “Hahahahaha. @MannyPacquiao at @MsLeaSalonga !! Ewan ko na lang sa inyo. Hahahahaha.”

Kalakip nito ang post ni Phil Romualdo na naglalaman ng mga mura:

Idinamay rin nito si Lea Salonga, na naging hurado naman sa 2011 Miss Universe kung saan lumaban si Shamcey Supsup at naging 3rd runner-up.

Lumikha ng kontrobersiya ang pagiging hurado noon ni Lea dahil madali lamang daw ang tanong niya kay Miss Angola Leila Lopes, na siyang kinoronahang Miss Universe 2011.

Read: Lea Salonga reveals why she chose Miss Angola over Shamcey Supsup as Miss Universe 2011

Sinagot ni Lea si @geneyulo at naka-tag dito si Manny Pacquiao.

Ani Lea: “ @geneyulo @MannyPacquiao Sampu kaming judge. Kahit if I put Philippines 1st, if everyone else places her last, wala na. Haaaay common sense.”

Samantala, binatikos naman si @geneyulo sa pagre-repost niya ng malisyosong comment ng ibang social media user.

Pero nanindigan si @geneyulo na wala siyang sinabing masama at nag-repost lamang siya ng komento ng iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN