Director Richard Somes defends Xian Lim over Bridges of Love casting controversy

“Actually, Xian is very good, na-surprise ako sa range ng acting, kaya rin siguro ang dami niyang projects ngayon,” says director Richard Somes about Xian Lim, who was supposed to be part of the cast of ABS-CBN’s upcoming TV series Bridges of Love.


Itinanggi ngdirektor na si Richard Somes ang mga bali-balita tungkol sa pagkawala ni Xian Lim sa ginagawang teleserye ng ABS-CBN, ang Bridges of Love.

Sa press conference ng horror-romance movie ng APT, ang Liwanag Sa Dilim, nabanggit ni Richard na kasalukuyan din niyang ginagawa ang Bridges of Love.

Dahil dito, hindi naiwasang matanong siya tungkol sa balitang pagkawala ni Xian sa teleseryeng pagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador.

Ayon kay Direk Richard, ang malaking demand para magsamang muli sina Xian at Kim Chiu sa isang proyekto ang tunay na dahilan sa hindi pagtuloy ni Xian sa Bridges.

“Sobrang maganda ang demand ng fans ng Xian and Kim Chiu.

“That's why pinagsama sila ulit kasi nami-miss na ang partnership nila.

“I think, 'yon ang narinig ko at nabasa ko sa social media.

"Aside from that, wala nang ibang problema."

Taliwas sa mga nasusulat tungkol sa Kapamilya actor, sabi ni Direk Richard, wala naman siyang naranasang problema kay Xian, lalo na pagdating sa pag-arte.

Aniya, “Alam mo naman ang actors sa ABS-CBN, they are all very good in terms of acting and how they deal sa set.

"Honestly, outsider akong director, pero I haven't seen any problem.

“Kung anuman yung isyu kay Xian or kung bakit pinalitan, wala akong problemang nakita.

“First hand, nakita ko talaga kung paano ka-dedicated si Xian or kung gaano niya kamahal ang role niya.”

Para kay Direk Richard, hindi na dapat bigyan ng iba pang kulay ang pagkawala ni Xian sa cast ng Bridges of Love.

Sabi niya, “Huwag na lang natin pansinin kasi hindi 'yan totoo.

“Kung anuman 'yan mga blind iten na 'yan, hindi 'yan totoo.

“It's because of a project na kung bakit nalipat.

“Kung ano ang in-announce ng ABS-CBN, due to public and audience demands, 'yon yun.”

Nilinaw rin niya sa huli, “Actually, Xian is very good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-surprise ako sa range ng acting kaya rin siguro ang dami niyang projects ngayon.”

Kasama ni Richard sa pagdidirek ng Bridges of Love si Dado Lumibao.

Si Xian ay papalitan na ni Paulo Avelino, ayon sa Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN