Sarah Lahbati admits her mom and Annabelle Rama are still not okay

Sarah Lahbati grateful to boyfriend Richard Gutierrez for being supportive of her career. She says, “You know what, we respect each other. As long as ikagaganda ng career niya, ikagaganda ng career ko, we don’t try to hinder each other from growing and having a better career.”


Nagbabalik sa pelikula si Sarah Lahbati sa pamamagitan ng Liwanag sa Dilim ng APT Production.

Natutuwa ang StarStruck alumna na muli siyang nakagawa ng pelikula matapos niyang isilang ang anak nila ng kasintahang si Richard Gutierrez na si Zion.

“It's what I enjoy and it's what I love doing.

"I'm grateful that I'm back working again and doing what I love,” sabi ni Sarah nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Liwanag Sa Dilim kahapon, January 28.

Sa kabila ng mga trabaho, tiniyak ni Sarah na ang unang prayoridad pa rin niya ay ang magdadalawang taong nang si Zion.

Sabi niya, “I just try to balance my personal life and work. I just try to enjoy.

“I try to spend as much time to Zion kasi ang bilis niyang lumaki.

“So, ibinibigay ko yung schedule ko, yung free time ko kay Zion. Kailangan nandoon ako to see him.”

Bagamat isa na siyang ina, wala naman daw ibinigay na limitasyon ang kanyang partner na si Richard pagdating sa trabaho.

Pahayag ni Sarah, “You know what, we respect each other.

“As long as ikagaganda ng career niya, ikagaganda ng career ko, we don't try to hinder each other from growing and having a better career.”

Idiniin din niyang hindi kailanman naghigpit sa kanya si Richard.

“He just makes sure that whatever work I'm doing, it's classy and karespe-respeto. Just like any partner would to his girlfriend,” sabi ng Kapuso actress.

Ngayong may pamilya na sila ni Richard, kasunod na kaya nito ang pagpapakasal?

Ayon kay Sarah, “We are slowly planning things.

“We don't wanna rush things. We wanna focus on Zion kasi he's growing so fast.

“We're focusing on him, we don't wanna rush anything.”


PARENTS STILL NOT OKAY. Samantala, natanong din si Sarah tungkol sa relasyon ngayon ng mga magulang niya at mga magulang ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ina at talent manager ni Richard na si Annabelle Rama at ina ni Sarah na si Esther Lahbati noong binyag at birthday celebration ni Zion.

Read: Sarah Lahbati’s mom vents frustration on Instagram

Read: Annabelle Rama tells Esther Lahbati to shut up: “Huwag mo ako hamunin, hindi ako natatakot sa 'yo! Tumigil ka na, tama na ‘yan!”

Pag-amin ni Sarah, “They're getting there. Pray for them na lang.”

Hindi raw madali para kina Sarah at Richard ang ganitong sitwasyon.

Aniya, “It's kind of hard because, you know, we're partners, we don't want that.

“We want everyone to be okay and happy.

“But as I said, we still have hope and it's not a very big issue.

“Hindi siya big fight. It's something normal that happens in families.

“May pag-asa pa naman 'to. It's not World War 3.”

Ayon kay Sarah, sinusubukan naman nila ni Richard na maging tulay sa pag-aayos ng kani-kanilang mga magulang.

“Siyempre, ang gusto ko lang naman ay maging okay ang lahat para walang conflict, walang ilangan, para lahat ay maging masaya.

“You know, I just keep hoping and praying na maging okay na ang lahat.

“But, you know, for me, it's a normal thing na lahat ng pamilya, nagkakaroon ng ganun.

"I think they're getting there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN