Kris Aquino on lack of lovelife: “Okey na, na alone ako.”

“Parang na-realize ko I’m meant to be a mom, maybe I am not meant to be a partner—for now, ‘di ba? But I am enjoying the season of my life to be a mom," says Kris Aquino, who claims she’s not worried about having no special someone anymore.


“Hindi lahat ibibigay ni God, tanggap ko na yun,” pahayag ni Kris Aquino tungkol sa kawalan niya ng lovelife.

Sa kabila ng masalimuot niyang buhay-pag-ibig, nananatiling bukas si Kris sa posibilidad na mahanap ang tamang lalaki para sa kanya.

Ngunit sa ngayon ay dumating na raw ang TV host-actress sa punto na kuntento na siya sa pagiging ina ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

“You realize things in life.

“Parang na-realize ko, I'm meant to be a mom, maybe I am not meant to be a partner—for now, ‘di ba?

“But I am enjoying the season of my life to be a mom," saad ni Kris sa January 28 episode ng Kris TV.

Malaking bagay raw ang karanasan niya sa pagdalo ng misang pinangunahan ni Pope Francis sa Quirino Grandstand noong January 18.

Noong araw raw na iyon ay mas na-appreciate niya ang sayang dulot ng pagkakaroon ng dalawang anak.

"Okay na nga, happy na ako.

“Pinray ko 'yon kay Pope [Francis] nung nagma-mass.

“Kasi, parang sinabi ko, nung sa gitna nung ulan na 'yon, basta mabait lang.

“Kasi I was so proud na hindi nag-brat yung dalawa—tiniis yung ulan, hindi nag-ingay, hindi nag-naughty.

“So, sabi ko, 'Sige na, God, kung imi-maintain mo silang ganito kabait, okey na, na alone ako.

"Keribels na, okay kami,'" giit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN