Gelli de Belen admits a lot of people ask her: "Ba’t ’andiyan ka sa TV5?"

Gelli de Belen is happy being a Kapatid: “Hindi pa ako nawawalan ng trabaho. Pinagkakatiwalaan nila ako with work na I never got to do before, which is a challenge for me. While I was happy with my other stations, kaya lang, parang dito, I got to try a lot of things.”


Isa na namang public affairs program ang hinu-host ngayon ni Gelli de Belen sa TV5.

Ito ang Solved Na Solved, na programang naglalayong magbigay ng praktikal at legal na solusyon sa mga problemang karaniwang nararanasan ng mga mamamayan.

Kasama niya bilang host sina Arnell Ignacio at Atty. Mel Sta. Maria, at mapapanood ang kanilang programa mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga.

Bago ang nasabing programa ay naging host din si Gelli ng Face The People, na tumatalakay naman sa conflicts ng mga karaniwang mamamayan.

Nakailang taon na rin si Gelli sa Kapatid Network, at sinabi niyang masaya siya sa pagkakataong ibinibigay sa kanya ng istasyon.

“Hindi pa ako nawawalan ng trabaho.

"Pinagkakatiwalaan nila ako with work na I never got to do before, which is a challenge for me.

“While I was happy with my other stations, kaya lang, parang dito, I got to try a lot of things,” pahayag ni Gelli sa press conference ng pinakabago niyang show, na ginanap sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City, noong Miyerkules, January 28.

Unang nagtrabaho si Gelli noon sa Channel 5 na dating ABC-5.

Lumipat siya sa ABS-CBN at sumunod naman sa sa GMA-7, bago siya muling napadpad sa bakuran ng TV5.

Sabi pa ni Gelli tungkol sa pinakabago niyang programa, “[I'm] thankful for the opportunity to host a program that is actually ineresting and helpful.

“A lot of people [ask], 'O, ba't 'andiyan ka sa TV5?'

“Kaya lang, dito, I have been given a lot of opportunities that I have never done before.

“I am challenged. My creativity and my talent bilang isang host ay natsa-challenge, so natutuwa ako.

“Ang dami-daming artista, ang dami-daming host, pero lagi nila akong napipili.”

Ayon pa kay Gelli, sa pamamagitan ng Solved Na Solved, umaasa siyang maraming tao ang magkakaroon ng awareness tungkol sa kanilang mga karapatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it's legal advice that is needed... 'tsaka kasi dito, mas nai-inform ang mga tao sa mga karapatan natin.

"Kasi we don't know all the legal terms, whatever, sa mga karapatan natin.

“We're not aware, 'Ay, bawal 'yan, bawal 'yan,' pero we don't know exactly saan mag-uumpisa.”


MISSING DRAMA. Hindi naman itinanggi ni Gelli na nami-miss niyang gumawa ng drama project.

“Nami-miss, kaya lang, last year, I did [Confessions of A] Torpe, which seemed like a comedy, which it was, kaya lang may drama din siya.

"So, I got the best of both worlds.

“Kasi may drama din yung Confessions of A Torpe, pero nami-miss ko yung puro drama.”

Maging ang paggawa ng pelikula ay nami-miss na rin ni Gelli, pero mayroon din daw siyang mga agam-agam.

“Nakakatakot lang kasi parang iba na yata ngayon...

"Ano bang nangyari, parang kailan ba ako huling nagpelikula... parang seventeen years ago,” nangingiting sambit ng actress-host.

Mahal Kita, Walang Iba ang pinakahuling pelikulang pinagbidahan ni Gelli noong 2000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN