Sheena Halili wishes for lovelife on her 28th birthday

Tatlong taon nang single si Sheena Halili kaya raw ang dasal niya sa Diyos ay magkaroon na siya ng nobyo, at gusto niyang ito na rin ang kanyang makakatuluyan.


Noong Janaury 16 ay nag-celebrate si Sheena Halili ng kanyang ika-28 kaarawan.

Ano kaya ang wish niya sa kanyang birthday?

Natatawang sagot ng Kapuso actress, “Wish ko, siguro ano... lovelife!

“Magti-three years na, magti-three years na rin...

"So, Lord, I think after three years, I’m ready to fall in love again.”

March 2013 nang naghiwalay si Sheena at ex-boyfriend nitong si Rocco Nacino.

Si Rocco ay nakahanap na ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Lovi Poe, samantalang si Sheena ay single pa rin hanggang ngayon.

Naging choosy ba si Sheena kaya hanggang ngayon ay loveless pa rin siya?

Sagot ng StarStruck alumna, “Choosy? Well, hindi naman sa nag-aano, may nagpaparamdam naman sa akin, pero pinapanatili ko na guarded yung heart ko hangga’t hindi ko makita talaga.

“At siyempre, mapi-feel mo naman yung spark, e, ayokong madaliin, ayokong…

"Lalo na siyempre na nasa age naman tayo na hindi naman dapat nag-try nang try.

"Dapat ‘pag pumasok sa commitment, yun 'yon.”

Gusto ba niyang yung susunod na magiging nobyo niya ay siya na ring makatuluyan niya?

Pagsang-ayon ng dalaga, “Yes. Yes. Ipinagdadasal ko kung sino man yung magiging boyfriend ko, siya na talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena sa birthday charity ng GMA Artist Center sa AFP Medical Center noong Martes, January 27.


NON-SHOWIBIZ BOYFRIEND. Traumatic ba yung naging experience niya sa kanyang last relationship kaya maingat siya ngayon pagdating sa pagkakaroon ng lovelife?

Pabiro niyang sagot, “Wala naman pong issue doon kaya hayaan na natin yung traumatic na yun.”

Ang gusto raw ni Sheena ay non-showbiz na ang kanyang magiging boyfriend.

Paliwanag niya, “Oo, kasi non-showbiz, para iba yung mundo ng showbiz at iba rin yung mundo ko dun sa kanya, ibang mundo.

“Kasi feeling ko, ‘pag may buhay ka sa likod ng camera, nagiging mas nagiging grounded ka, mas na-appreciate mo lahat ng mga maliliit na bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HAPPY TO SHARE HER BLESSINGS. Kasama ni Sheena sa birthday charity ang iba pang GMA Artist Center talents na nagsi-celebrate din ng kanilang mga kaarawan sa buwan ng Enero—sina Yasmien Kurdi, Rich Asuncion, at Coleen Perez.

Masaya raw silang magbahagi ng kanilang blessings sa mga sundalong may karamdaman at kasalukuyang ginagamot sa AFP Medical Center.

(Photo by Noel Orsal)

Lahad ni Sheena, “First time ko dito sa AFP, first time ko mag-celebrate kasama ang mga sundalo natin.

“Sila yung mga bayani natin kaya ang sarap lang ng feeling na, siyempre, minsan nakalimutan din natin na merong mga nagbuwis ng buhay para sa atin.

“Kaya parang ang sarap din na alalahanin at bisitahin sila at i-celebrate ang birthday at i-share natin ang blessings sa natin sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN