Vhong Navarro on Ferdinand Guerrero’s arrest: “Ngayon, parang unti-unti ko nang nakikita ang justice.”

Vhong Navarro to his supporters: “Nagpapasalamat ako sa patuloy na nagdarasal at naniniwala sa akin. Maraming salamat kasi kayo po ang dahilan kung bakit nananatili akong matatag at nagiging malakas.”


Nagpahayag ng kasiyahan si Vhong Navarro sa pagkakaaresto sa negosyanteng si Ferdinand Guerrero, isa sa suspek sa pambubugbog at pagde-detain sa kanya noong January 22, 2014.

Nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) si Guerrerro noong Lunes, January 26, 2015.

Read: Ferdinand Guerrero finally arrested; denies mauling Vhong Navarro

Noong Marso 2014 ay nag-file ng counter-affidavit niya si Guerrero na nagsasaad na wala siyang kinalaman sa pambubugbog kay Vhong.

Ngunit halos isang taon siyang nagtago sa batas, taliwas sa ginawa nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Zimmer Raz—iba pang mga akusado sa kaso ni Vhong—na kusang sumuko at nakulong ngunit kasalukuyang nakalaya pagkatapos mag-post ng bail.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vhong sa set ng It’s Showtime noong Miyerkules ng hapon, January 28, ay nagbigay siya ng pahayag kaugnay ng pagkakaaresto kay Guerrero.

Saad niya, “Siyempre ako ay natutuwa na nahuli na, nasakote na ng NBI isa sa mga nambugbog [sa akin].

“Ngayon, parang unti-unti ko nang nakikita ang justice.”

Ano naman ang reaksiyon ni Vhong sa mensahe ni Guerrero sa kanyang “We don’t want you to die. We want you to have a long life,” na tila may iba raw pakahulugan?

Ayon kay Vhong, “Hindi ko na pinapanood kaya wala akong gustong sabihin sa kanya.

“Basta bahala sa kanila ang Panginoon.”

Samantala, inamin ni Vhong na hindi pa rin nawawala ang takot at pangamba niya ngayong pansamantalang nakalaya ang grupo ni Cedric.

“Hindi nawawala yung takot, pero ako, naniniwala pa rin ako sa justice system natin na lahat magiging maayos.

“Hindi po natin alam kung ano ang… ngayong nakalabas sila, kung ano ang magiging ano natin.

“Siguro ako, kailangan ko ng dasal pa na sana magkaroon nga ng katarungan yung ginawa nila sa akin.”

Kumusta naman ang kanyang pamilya ngayon?

Ayon kay Vhong, “Okay naman ang pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre nandun pa rin, hindi nawawala yung takot.

“Basta ngayon, ang nagpapalakas ng loob ko talaga ay ang pagdarasal.

“Mas dinadagdagan ko ang pagdarasal.”

Tiniyak din ni Vhong na tuloy ang mga kasong isinampa niya laban sa grupo nina Cedric at Deniece, at hindi siya bukas sa pakikipag-ayos sa mga ito.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang dancer turned actor sa mga taong naniniwala at nagdarasal para sa kanya.

“Nagpapasalamat ako sa patuloy na nagdarasal at naniniwala sa akin.

“Maraming salamat kasi kayo po ang dahilan kung bakit nananatili akong matatag at nagiging malakas.”

SECRETARY DE LIMA. Nakausap din ng PEP at Cinema News kahapon, January 28, si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima sa tanggapan ng NBI, kung saan nagkaroon siya ng meeting kaugnay ng pagkakahuli kay Guerrero, na kasalukuyang nakapiit sa NBI.

Pahayag ni Secretary De Lima, “At least naaresto na siya, kasi fugitive din siya.

“Tama lang na in-implement ang warrant of arrest sa kanya.”

May pagkakaiba bang mangyayari na kusang loob na sumuko sina Cedric, Deniece, at Zimmer, samantalang nagtago naman nang matagal na panahon si Guerrero?

Pahayag ni Secretary De Lima, “Siyempre mas mahirap sa kanya ‘yan dahil nga, you know, flight is indicative of guilt.

“So, that cannot be any justifying, exempting or mitigating circumstance that may be available.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN