Max Collins not threatened by Empress Schuck’s return to GMA

Unang nagkasama sina Max Collins (nasa larawan) at Empress Schuck noong 2010 sa ABS-CBN teleserye na Rosalka, kung saan si Empress ang bida at si Max naman ang kontrabida. Pero ngayon ay magkakabaliktad sila ng posisyon sa Kailan Ba Tama Ang Mali? dahil si Max naman ang bida at si Empress ang kontrabida.


Hindi itinuturing ni Max Collins na threat sa kanilang mga babaeng artista sa GMA ang pagbabalik sa network ni Empress Schuck matapos magpaalam ng huli sa ABS-CBN.

Magkasama sina Max at Empress sa bagong panghapong teleserye ng GMA, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?, na magsisimulang umere sa Pebrero 9.

Saad ni Max, “Ayoko pong isipin yun, kasi siyempre naman, hindi maiwasan na bilang artista, isipin mo rin yun na may bago na naman, may competition na naman.

“Pero as much as possible, iniiwasan ko po yung thoughts na ganun.

“Kasi hindi po iyon makakatulong sa trabaho namin at hindi iyon makakatulong sa relationship namin off-cam kung hindi kami friends, kung na-intimidate ako sa kanya.

“Paano kami magiging close at paano magre-rate yung show namin kung hindi magada yung chemistry naming lahat?

“So, as much as possible, hindi ko po iniisip iyon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa presscon ng Kailan Ba Tama Ang Mali? noong Enero 27 sa 17th floor ng GMA Network Center.

ROLE-SWITCHING. Masaya lang si Max na magkatrabaho ulit sila ni Empress.

Una kasi silang nagkasama noong 2010 sa ABS-CBN teleserye na Rosalka, kung saan si Empress ang bida at si Max naman ang kontrabida.

Pero ngayon ay magkakabaliktad sila ng posisyon sa Kailan Ba Tama Ang Mali? dahil si Max naman ang bida at si Empress ang kontrabida.

“Nakakatuwa lang po kasi dati sa show niya sa kabila, sa Rosalka, ako po yung kontrabida doon sa show niya.

“So, nakakatuwa na magkasama kami ulit after a few years at mas matured na po kami, kaya mas maganda na nagkita po ulit kami at familiar naman po kami sa isa’t isa.”

Dati na ba silang magkaibigan?

Sabi ni Max, “Friends na po kami noon, pero mas naging close po kami dito sa GMA.

“Dati kasi, as in hi, hello. Ngayon, friends na talaga kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na ba sila ng bonding moments ni Empress?

Sagot niya, “Opo, as in lagi po kaming naglalaro ng cards sa airport, sa hotel room ‘pag nagsu-show at promo po kami.

“Sa set, mas tahimik po kami, kasi nagpo-focus kami sa lines namin.”

INTIMIDATED AT FIRST. Alam ni Max na magaling na artista si Empress kaya aminado siyang na-intimidate din siya sa kanyang co-star noong una.

Aniya, “Na-intimidate po talaga ako, hindi ko itatago iyon.

“Kasi siyempre, ayoko namang masabi ng mga tao na bakit ako nabigyan [ng bida role]… kung bagay ba sa akin yung role ko, na baka sabihin po ng mga tao iyon.

“Wala po akong magagawa kung hindi nila magustuhan yung performance ko.

“Ang masasabi ko lang, ginawa ko yung best ko, sana ma-appreciate po nila iyon.

“Alam ko napakagaling talaga ni Empress kaya mas na-inspire ako to be better and to do better kasi nakikita ko kung gaano din siya ka-professional sa trabaho namin.”

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ngayon?

“Well, konti pa lang ang scenes namin together, pero she’s very professional, alam na alam niya yung mga gagawin.

“Isa siya sa mga best actresses na nakatrabaho ko, ang galing niya talaga.

“Deserve niya talaga yung title niya na ‘Acting Prowess.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN