Pancho Magno will not allow Max Collins to pose for FHM

Pancho Magno on possibility of Max Collins accepting offer to pose for FHM: "Kung talagang… kung gusto niya. Pero feeling ko, hindi naman din niya [gusto]. Hindi iyon magiging topic, hindi iyon magiging isyu."


Kung sakaling may offer, hindi raw papayagan ni Pancho Magno ang nali-link sa kanyang si Max Collins na mag-pose nang sexy para sa men’s magazine na FHM.

“Kung ako, ha? E, siya, hindi rin, hindi niya personality yun,” sabi ni Pancho sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA afternoon soap na Ang Lihim Ni Annasandra sa Montalban, Rizal, noong Lunes, January 26.

Paano kung pumayag si Max? Papayagan ba niya ang aktres kung sakaling humingi ito ng advice o permiso sa kanya?

Saad ng Kapuso hunk, “E, kasi Christian ako, e.

“Pero nakakatuwa, dahil lagi din akong nakahubad sa mga Bench [pictorial and fashion show]!

“Pero ang sa akin lang, for one day, hindi ako mahilig mag-pose.

“Hindi ako mahilig na talagang ipinapakita ko pa sa ano na sobrang…

“Like, iyon [Bench], sobrang proud ako, pero darating yung parang siyempre mahihiya na ako, ‘tapos nakikita nila ako sa simbahan.

“Hindi naman devoted, pero since grade school ako, sa Victory kami, e. Since bata pa lang ako.

“So, siyempre pinapraktis namin as much as possible kung ano yung makakaya naming praktisin.”

Miyembro ng Victory Christian Fellowship si Pancho, na isa sa mga image model ng Bench Body.

Ibig sabihin, kapag fashion shows na nakahubad ay okay sa kanya, pero kapag sexy pictorial sa magazine ay ayaw niya?

Saad ni Pancho, “I mean, siyempre yung sa akin, hindi ko maiiwasan.

“Pero siya [Max], kung talagang… kung gusto niya.

“Pero feeling ko, hindi naman din niya [gusto].

“Hindi iyon magiging topic, hindi iyon magiging isyu.”

Nakapag-picorial na raw si Pancho nang naka-briefs lang para sa ad campaign ng Bench.

“Pero sa Bench naman, hindi naman siya mukhang, alam mo yun, hindi na talaga…

“Well, yung fashion show lang talaga, pero yung print ad, ‘pag titingnan mo, wala namang masyadong ano, e, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, ngayon, kahit naka-briefs ngayon sa atin, sobrang open na lahat ng tao, alam mo yun?

“Sobrang, even mga bata, open na sa sexuality, matatalino na ngayon, e!”

E, bakit hindi niya papayagan si Max?

“Iba kasi FHM, e. Iba lang talaga,” giit ni Pancho.

At dahil babae si Max?

“Oo. ‘Tsaka ‘pag, like, kadalasan, nagpu-pose dun, talagang… alam mo yun, kailangan i-bare mo.

“Kung magpo-pose ka lang naman din, e, di talagang itodo mo, sayang naman yung opportunity.”

So, huwag na lang gawin iyon ni Max?

“Kung ready siya... well, feeling ko, hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN