Deaf candidate Christine Balaguer on foiled Binibining Pilipinas 2015 stint: "BPCI made me resign so I’m very depressed."

"It’s my big dream to be the first deaf candidate to win Bb. Pilipinas! I’M VERY SORRY ABOUT THE [NEWS THAT] BPCI MA[D]E ME RESIGN SO I’M VERY DEPRESS[ED]," says former Binibining Pilipinas 2015 candidate #5 Christine Ramos Balaguer in her Facebook post.


Maagang naudlot ang pangarap ni Christine Ramos Balaguer na maging kauna-unahang deaf candidate na mag-uuwi ng korona mula sa Binibining Pilipinas beauty pageant ngayong taon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Huwebes ng hapon, January 29, kinumpirma ni Christine na napilitan siyang mag-resign sa hindi malamang kadahilanan.

Sinabi rin ni Christine sa amin, sa pamamagitan ng palitan ng Facebook messages, na napaiyak siya nang kausapin siya ng legal counsel ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) tungkol dito.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin daw malinaw sa kanya kung bakit siya pinag-“resign” ng mga bumubuo ng naturang beauty pageant.

Matatandaang si Christine ay Candidate #5 sa inilunsad na 34 official candidates ng Binibining Pilipinas 2015 noong January 13.

Ngunit, at press time, kapansin-pansing wala na si Christine sa opisyal na listahan ng kandidata sa website ng Binibining Pilipinas at pinalitan na siya ng panibagong kandidata.


CHRISTINE’S FACEBOOK POST. Sabi pa ni Christine sa ibinahagi niyang official statement sa kanyang public Facebook account ngayong araw: “It's my big dream to be the first deaf candidate to win Bb. Pilipinas!

“Being born deaf is not the end of the world. It’s a challenge but also an opportunity.

"An opportunity to be able to set a positive example for others that despite being deaf they can still achieve their dreams and contribute to society in a meaningful manner. And be successful!

“Life as a deaf can be hard sometimes but all hardship can be overcome by working hard, never giving up and always believing in yourself.”

Kaya ikinalungkot niya nang husto ang desisyon ng BPCI na boluntaryo siyang mag-resign mula sa pageant.

Dugtong pa niya, “Being deaf is not an excuse for giving up in life or making mistakes in life.

“I want to inspire other handicapped people and encourage them to take life in their own hands and always move forward no matter what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’M VERY SORRY ABOUT THE [NEWS THAT] BPCI MA[D]E ME RESIGN SO I’M VERY DEPRESS[ED]…”


ONLINE PETITION FOR REINSTATEMENT. January 23 nang ilunsad ang isang petisyong naglalayong ibalik si Christine sa listahan ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas ngayong taon.

Makikita ito sa isang Facebook fan page na pinamagatang Petition To Bring Back Christine Balaguer As Candidate, na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 700 likers.

Kasabay nito ang iba’t ibang espekulasyon tungkol sa tunay na dahilan kung bakit napilitang mag-resign si Christine mula sa pageant.

Ayon sa naturang petisyon, ang hinihinalang dahilan kung bakit natanggal si Christine sa lineup ay ang pagkakaroon niya ng hearing disability.

Isa pang lumabas na espekulasyon ay ang diumano’y pagkakaroon ng existing modelling contract sa Elites Model Management ni Christine at ang pag-pose ng dalaga sa isang sexy pictorial—na mahigpit na ipinagbabawal ng mga bumubuo ng pageant.

Ngunit ayon sa pinuno ng Elites Model Management na si Martin Martin ay walang kontrata si Christine sa kanilang talent management.

Sadyang sinusuportahan lang umano ng ahensiya ang kagustuhan ni Christine na makapasok sa Binibining Pilipinas 2015.

Paglilinaw ni Martin, base sa kanyang Facebook post kahapon, January 28: “Christine doesn’t have any contract with the Elites Model Management and I have issued a release paper on her which they got it.

“The Elites Model Management is no issue here.

“We have supported Christine Balaguer all the way.”

Matatandaang isinatelebisyon ang buhay ni Christine sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya, kung saan si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj ang gumanap bilang siya.

Ipinalabas ang naturang episode noong January 17.

Sa kabila kasi ng kanyang kapansanan ay nakuha si Christine bilang isang fashion model.

Bukod dito ay napabilang din siya sa Miss World 2014 candidates upang maisakatuparan ang pangarap niyang maging beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN