Ogie Alcasid scolded by wife Regine Velasquez over pregnancy issue

Ogie Alcasid on having another baby: “Hindi naman namin itinatago na gusto pa namin ng baby. Pero you know, God is bigger than us. Hindi na natin puwedeng unahan ang Panginoon.”


Natatawang ipinaliwanag ni Ogie Alcasid sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Facebook post niyang ito: “My dear friend, I am the one who is pregnant.”

Bago kasi ito ay marami ang naghinalang buntis muli ang kanyang misis na si Regine Velasquez.

Sabi ni Ogie, “Ang taba ko kasi nun!

“At saka, may game na hindi ko na in-explain. Natawa naman ako!

“Kaya nga sabi ko, ‘I’m pregnant.’”

Ayon pa sa singer-comedian, kung sakaling mabubuntis muli si Regine at masusundan ang anak nilang si Nate, pareho raw silang matutuwa.

“Hindi naman namin itinatago na gusto pa namin ng baby.

“Pero you know, God is bigger than us.

“Hindi na natin puwedeng unahan ang Panginoon.”

Hindi naman daw nila tinatanong ang doktor ni Regine kung maaari pa itong magbuntis sa edad na 44.

“Kung meron, meron. Kung wala, wala,” sabi ni Ogie.

Ano naman ang naging reaksiyon ni Regine nang magkaroon ng isyu ang Facebook post niya?

“Natawa, pinagalitan pa nga ako. ‘Ikaw kasi, akala nila buntis ako!’” natatawang sabi ng Kapatid star.

Sa opinyon naman ni Ogie, naging isyu ang Facebook post niya dahil na-excite ang mga tao sa ideyang baka nga nagdadalantao muli ang Asia’s Songbird.

“Ako rin, na-excite ako.

“Pero if it’s God’s will, yun lang naman. Pero wala, e.

“There was a time akala ko buntis siya, hindi naman pala.”

Kung sakali, ano ang gusto niyang maging susunod na anak—lalaki o babae?

Sabi ni Ogie, “Wala naman sa akin ‘yan. Hindi naman tayo puwedeng mamili, gusto-gusto.

“Sa akin, kung ano ang ibigay sa akin, doon ako.”

Pagdating sa pagkakaroon ng pamilya, masasabi ba niyang “more than complete” na siya?

“Oh, yeah,” mabilis niyang sagot.

May dalawa nga siyang pamilya na puwede rin sabihing solid.

“It’s by the grace of God talaga, e, that we are complete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman tayo nako-complete ng family natin. Hindi naman tayo nako-complete ng material wealth.

“Hindi tayo nako-complete ng career o marami tayong kinakain, ‘di ba?

“It’s really by the grace of God, and when we’re there, doon mo mararamdaman how He works in your life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN