Ervic Vijandre leaves Mercator, signs up with GMA Artist Center

Ervic Vijandre on his decision to leave Mercator: “Kasi sa Mercator kasi, marami pa silang gustong gawin, e—modelling, may mga beauty queens, ‘di ba? ’Tapos hindi pa sila ganun ka-full blast sa showbiz. Ako, gusto ko nang mag-full blast sa showbiz, e, so pumunta ako sa isang magma-manage sa career ko na talagang iyon, dun, acting talaga. Na Kapuso naman ako, so dito na ako sa GMA Artist Center.”


Wala na si Ervic Vijandre sa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud mula pa noong November 2014.

“End of contract,” umpisang pahayag ni Ervic tungkol dito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang GMA Artist Center na ang nagpapatakbo ngayon ng showbiz career ng model-turned-actor.

“’Tapos pagkalipat na pagkalipat ko sa Artist Center, maagang Pamasko, maagang pa-birthday kaagad itong show na ito.”

Ang tinutukoy ni Ervic ay ang bagong afternoon soap ng GMA Network na Kailan Ba Tama Ang Mali?, na nagkaroon ng presscon noong Martes, January 27, sa GMA Network Center.

January 26 naman ang mismong kaarawan ni Ervic.

NO BAD BLOOD. Maayos naman daw ang naging hiwalayan nila ni Jonas, na naging manager niya sa loob ng limang taon.

“Nagpaalam naman ako, end of contract na rin kasi,” sabi ni Ervic.

Nire-renew naman daw siya ng Mercator, “Kaya lang, parang it’s time to ano…

“Kasi, parang gusto ko kasing mag-focus talaga sa acting.

“Kasi sa Mercator kasi, marami pa silang gustong gawin, e—modelling, may mga beauty queens, ‘di ba?

“’Tapos hindi pa sila ganun ka-full blast sa showbiz.

“Ako, gusto ko nang mag-full blast sa showbiz, e, so pumunta ako sa isang magma-manage sa career ko na talagang iyon, dun, acting talaga.

“Na Kapuso naman ako, so dito na ako sa GMA Artist Center.”

So, nire-renew siya ng Mercator pero tumanggi siya?

“Parang ganun.”

Hindi naman daw sumama ang loob ni Jonas sa kanya.

“Magkaibigan pa rin kami. Nagpaalam ako nang maayos.

“Parang, ‘Ano, magre-renew ka pa ba sa amin?’

“Sabi ko, ‘Baka puwede mag-GMA na lang ako tutal dun na din naman ako,’ ganyan-ganyan.

“Sabi niya, ‘O, sige, ikaw ang bahala.’”

Itinanggi naman ni Ervic na kaya siya umalis sa Mercator ay dahil mas nabibigyan ng atensiyon si Daniel Matsunaga at ang bagong talent nilang si Ken Alfonso, na kasama rin sa Kailan Ba Tama Ang Mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, siyempre siya [Daniel] yung parang pinaka-prized [talent] ng Mercator, ‘di ba?” sabi pa niya.

No regrets ba siya sa limang taon niya bilang talent ng Mercator?

“No regrets? Siyempre minsan may mga gusto pa sana akong mas ma-achieve nung nandun ako.

“Kaya lang nga, iyon nga, siyempre may mga naging problema din akong dinaanan sa Mercator, e.

“Ayun, kaya nung natapos, iyon na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN