MJ Lastimosa on her Miss Universe journey: “I have no regrets.”

Mary Jean Lastimosa says she did not mind following orders about the clothes she wore in the Miss Universe pageant. She explains, “Kahit anong ibigay nila sa akin, I’m gonna rock it. I’m confidently beautiful. I know whatever I wear, I’m gonna look beautiful on that stage. Yun lang ang laging iniisip ko.”


“Sana wala nang negative feedback.”

Ito ang hiling ni Miss Philippines MJ Lastimosa sa mensaheng ibinigay niya sa homecoming event na inihanda para sa kanya ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ngayong Huwebes ng tanghali, January 29.

Marami kasing Pinoy ang hindi natuwa sa naging resulta ng katatapos lamang na Miss Universe 2014, lalo na nang hindi mapabilang si MJ sa Top 5.

Gayunman, sabi ni MJ, “Let's just be happy.

"It's a happy competition. It's a beautiful pageant.

"Let's just celebrate the beauty of all the nations.

“So, huwag na tayong mag-dwell sa anything na makakapagpa-negative lang sa iniisip at nararamdaman natin.

“Let's just be happy for the winners. Let's just be happy for what's given to all the girls.

“I am happy.

"After the pageant, I can even go out again and smile from my heart.

“Kasi, I'm deeply grateful for the experience that I had.”


NATIONAL COSTUME CONTROVERSY. Bago ang mismong coronation night ng Miss Universe, nagkaroon ng preliminary competition kung saan inirampa ng mga kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo ang kani-kanilang national costume.

Mabilis na napansin ng mga Pinoy ang isinuot ni MJ sa naturang event dahil sa diumano'y disenyo nito.

Mas naging negatibo pa ang kanilang reaksiyon nang malaman na ang Colombian fashion designer na si Alfredo Barraza ang may likha ng national costume ni MJ.

Agad naman itong ipinaliwanag ni BPCI director Stella Marquez-Araneta.

Aniya, “If I didn't do it for several years, it's because the designs that were given to us were not good enough for our candidates. That's the reason I went abroad.”

Read: Stella Marquez-Araneta on why Binibining Pilipinas bets to international pageants do not wear gowns by Pinoy designers

Pahayag naman ni MJ tungkol dito, “As far as I know, the national costume is not part of the judging.

"It’s just a special event, it’s a special activity where the nations can showcase the best of their country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t think it affected the scores."

Ano naman ang masasabi niya na walang karapatan ang kandidata ng Pilipinas na mamili kung ano ang susuotin sa mismong kumpetisyon?

Pahayag ni MJ, “Ang akin lang diyan, ako, I love the Filipino designers—Cary Santiago, Leo Almodal... lahat sila.

“I really believe that we have the best talents here in our country.

“But then again, I applied for this competition. I applied for the job and they got me for this job.

“And I have a boss. And we should always remember that the competition is franchise-owned.

“So, whoever is the owner, in whatever way they want to run the business, it’s their call.

“I’m just here to follow what is given to me.

"So, kahit anong ibigay nila sa akin, I’m gonna rock it.

"I’m confidently beautiful.

“I know whatever I wear, I’m gonna look beautiful on that stage.

"Yun lang ang laging iniisip ko."

Sa kabila ng kontrobersiya, naiintindihan naman daw ni MJ kung bakit may ganitong mga reaksiyon ang mga Pilipino.

“Siguro, feeling ko, the pageant fans are very excited and very enthusiastic.

"So, siguro lahat ng mga pangyayari, may story na."

Dinepensahan din ni MJ ang director ng BPCI na si Mrs. Marquez-Araneta laban sa mga negatibong reaksiyon ng mga tao.

Ayon sa 27-year-old beauty queen, todo-supporta si Madam Stella sa kanya sa Miss Universe.

“She’s like a mother to me.

"When I was in Miami, she would even wait for four hours to see me and tell me how am I doing.

"Na, 'You’re doing great, continue it.' Yung be positive.

"'Tapos binigyan pa niya ako ng rosary na blessed ni Pope [Francis]. That’s very special."

Binigyang-diin din ni MJ ang tulong na naibibigay ni Madam Stella para sa mga kandidata ng Pilipinas sa international beauty pageants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “The chance lang na she’s giving every Filipina to represent the country on the Miss Universe stage is something that we should all be thankful for.

“Kasi, kung nandun ka, you showcase your country, not only myself, not only what I have.

“So, talagang ang sabi ko sa kanya, ‘Mrs. Araneta, I don’t know how to thank you for the opportunity that you gave me.’

"Naiyak-iyak nga siya.”

Diin pa ni MJ, “She’s a nice person.

"If we can only take a second and see the things that she’s doing for our country, and not only for the things that we don’t like.”


EMBRACING THE JOURNEY. Para kay MJ, naging masaya ang karanasan niya bilang kandidata ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe.

“I took the shot, I've given my best, and may naiwan naman akong good memories and positive notes to the people.

“Kung ano man 'yon, kung ano man ang nangyari, I embrace it.

"I embrace the whole journey, I have no regrets.

“Kasi, third time ko na 'to and I went this far, so sino na ba ako to complain?

“I'm just really grateful to be given this chance to be there and represent our country.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN